“Ember wants divorce,” wika ni Cassian bago pa naupo sa harap ng mga kaibigan. Wala sana siyang plano lumabas ng bahay dahil hinihintay niya si Ember umuwi pero makulit si Mathias at may kailangan daw kay Vito kaya sinamahan na niya. Sina Mathias at Vito ay pareho niyang mga kaibigan mula pa noong college sila. At dahil si Mathias ay bihira lang magpakita sa kanila ni Vito ay pumayag na rin siyang maabala ng mga ito.“Divorce?” tanong ni Vito sabay lapag sa harap nila ni Mathias ng maiinom. “Nagpapatawa ba ‘yang asawa mo?” Umiling si Cassian. “Paggising ko kanina ay wala na siya. Nilayasan na nga ako. Akala niya ay gusto kong balikan si Lauren.”“Hindi ba?” tanong ni Vito na natawa. “She’s back, Cassian. Nagpapansin na nga. At dahil hindi ka naman seryoso panindigan ang kasal niyo ni Ember ay bakit hindi mo na nga lang balikan si Lauren?”“Hindi niyan babalikan si Lauren,” ani Mathias kay Vito at tiningnan si Cassian. “Hindi ka pa rin naman bobo siguro, Cassian, kaya pupusta ako na h
Last Updated : 2025-04-06 Read more