“Please help…” usal ni Sienna nang nanatiling tahimik si Vito. Hindi niya mabasa ang kung anong iniisip nito. Bagaman sinabi ni Vito na hinahanap ni Mathias si Cassian ay ibang usapin iyon sa kailangan niya rito na tulong. Nawawala si Ember at dahil sigurado siyang may kumuha rito ay iyon ang pinag-aalala ni Sienna. “Why not contact Cassian?” tanong ni Sienna kay Vito. “Wait…” ani Vito at kinuha ang phone sa bulsa at sinubukan tawagan si Cassian. He dighed desperately, kahapon pa gano’n ang sagot ng operator kapag tinataagan niya si Cassian, unreachable. “I will call Mathias,” imporma niya kay Sienna. “Baka nagkausap na sila ni Cassian.” Hindi na nakaimik si Sienna lalo na at sinimulan na ni Vito tawagan ang kaibigan nitong si Mathias. Gusto niya man sabihin na si Cassian ang tawagan nito ulit ay hindi niya magawa, pakiramdam niya kasi bigla ay kahit si Cassian parang hindi alam nitong si Vito kung nasaan. “Mat,” bugad aga ni Vito nang marinig ang pagkonekta niya sa kaibigan.
Última atualização : 2025-09-10 Ler mais