“Ito ang mga dapat mong inumin, Ember…” ani ng OB-GYN sabay abot ng reseta ng mga vitamins and minerals na kailangan ni Ember. “At tandaan mo, bawal ang pagpupuyat sa ‘yo at low blood ka.”“Thank you, doc,’ tanging nasabi na lang ni Ember at niyaya na ang mga auntie na lumabas na sila ng clinic ng doktora niya.Kasunod ay dumiretso na sila sa pharmacy ng mismong ospital para doon na rin bilhin ang mga nakaresetang bitamina at supplements na kailangan niya para masiguradong healthy siya at ang baby niya. Palabas na sila ng ospital nang…“Ember!” tawag kay Ember ng isang lalaki. Napalingon si Ember. Napakunot ang noo habang tinititigan ang lalaking palapit sa kaniya. Nasa mga mata niya rin ang tanong kung anong ginagawa nito sa ospital. Matagal na niya itong hindi nakita. Dekada na nga kung tutuusin. “Adrian!” turan ni Ember sa lalaking nasa harap na niya. “Long time, no see…” dagdag niya sabay ngiti. “Akala ko nasa ibang bansa ka… Good to see you here.”Ngumiti si Adrian. “Nice seein
Terakhir Diperbarui : 2025-09-13 Baca selengkapnya