“Hindi mo naman kasi malalaman kung may pag-asa ka kung hindi mo ipapaalam, ‘di ba?” nakangiting patuloy ni Ember pag-motivate sa kaibigan. “At sino ba kasi ang special someone na ‘yan? Ayoko maging negative sa thoughts mo, Adrian, pero matanong lang… sigurado bang single pa ‘yon? Alam mo na…” kumibit-balikat siya. “Baka naman sa tagal niyong hindi na nagkita ay committed na ‘yon sa iba o may asawa na.”“Yeah…” amin ni Adrian na titig na titig kay Ember, iniisip na bakit hindi man lang ito magkahinala na ito ang tinutukoy niya. “She was committed. Maybe until now she’s still clinging to some hopes for her and her ex, but… I’m still wishing that one day she’ll notice me. That… one day she treats me more than just a friend. A man who will stand for her no matter what.”“Oh!” reaksyon ni Ember na nagulat. “So, she has an ex now?” tanong niya sabay ngiti. “And since mukhang updated ka naman pala sa buhay niya. Bakit hindi mo na lang siya tapatin? Malay mo at may pag-asa ka naman pala. Mala
Última atualização : 2025-09-19 Ler mais