Share

0058

Penulis: Eve Angeline
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-19 19:59:52

“Ember!” malakas na tawag ni Michelle sa anak nang makita na palabas ito ng isang clinic pero hindi ito lumingon.

Si Ember ay diretso lang lumakad papuntang exit ng ospital. Walang kamalay-malay na ang inang iniiwasan ay nasa likod niya. Kagagaling niya sa OB-GYN para sa prenatal check-up niya.

Nang madaanan naman ni Michelle ang clinic kung saan galing si Ember ay binasa niya ang pangalan ng doktor at kung ano saan ang specialty nito.

“OB-GYN…”

Nanlaki ang mga mata ni Michelle sa nabasa. Ano ang ginagawa ni Ember sa OB-GYN?

Buntis ba ito? Kay Cassian?

“Ember!” habol niya sa anak at nang maabutan ay hinila ang braso nito para pigilan sa paghakbang.

Hindi naitago ni Ember ang gulat nang malingunan si Michelle na hinawakan pa siya sa braso para pigilan humakbang. Inalis ang airpods na nasa tainga kasunod. Kaya hindi niya ito narinig kanina ay dahil nakikinig siya ng music habang naglalakad.

“Ma…” usal niya na hindi maitago ang pagkagulat na nasa harap ito. “Anong ginagawa mo rito?”
Eve Angeline

Fifth... sana kaya pa humataw after this.

| 6
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Nimpha
one more update please madam sobrang Ganda po
goodnovel comment avatar
Wellma Ancuna
nasaan ung update ni author sa Isang story
goodnovel comment avatar
Joyce Enorme
Medyo Mali ata Ang porma mo dun ember sana sinabi mong my malalang sakit ka Ng ma konsensya nmn yng wlang hiya mong nanay.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Now He Wants Me Back   0067

    “Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama

  • Now He Wants Me Back   0066

    “You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati

  • Now He Wants Me Back   0065

    “Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na

  • Now He Wants Me Back   0064

    —AGUSTIN, SALVACION—“Let’s go,” nakangiting wika ni Adrian kay Ember nang makababa na ng hagdan ang isa. May panibagong charity event ang mama niya at mabuti pumayag si Ember na maging plus one niya sa okasyon. “Paalam lang muna ako kina auntie…” ani Ember at pumunta sa kitchen at nagpaalam. “Tara na!” aniya nang balikan si Adrian na naghihintay sa kaniya sa labas. “Salamat daw sa dala mong mga putahe…” patuloy niyang kausap sa binata. “Masyado mong ini-spoil ang mga auntie ko.”“I love seeing how they adore me…” tugon ni Adrian. “It’s not spoiling them but returning their kindness…”“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ember pagpasok niya sa kotse ng kaibigan. “Saan?” tanong din ni Adrian. “Sa panliligaw sa ‘yo? No. Hindi ako mapapagod. Hanggang may pag-asa pa ako ay hindi ako titigil.”Bumuntong hininga si Ember. Iyon ang hindi niya inaasahaan. Nang magtapat sa kaniya si Adrian ay hindi naman niya ito pinaasa. Inamin niyang mahal niya pa si Cassian at hindi niya gustong ipaako rito

  • Now He Wants Me Back   0063

    “Buntis si Ember…” agad na balita ni Michelle kay Lauren pagkakita niya pa lang dito nang abutan niya sa gazebo at may ka-chat. Galing pang Agustin si Michelle at kararating niya lang. Ginabi na siya makabalik pero sulit naman ang mga kaganapan kanina dahil nagtagpo naman sila ni Ember at marami siyang nalaman tungkol dito. “Buntis?!” Gulat na napatayo si Lauren. Ang gulat at takot ay nasa mukha niya. Pagkadismaya na rin dahil kung buntis si Ember ay ibig sabihin wala na siyang laban dito. Siguradong kahit tingnan ay hindi na gagawin sa kaniya ni Cassian. Wala na siyang pag-asa.“Ang sabi ay hindi kay Cassian…” usal ni Michelle kasunod. Agad ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Lauren sa narinig. “Well, that’s good to know, Mama… Mukhang may nahanap na pala siyang kapalit agad ni Cassian. May simpleng kalandian din talaga ‘yang anak mo, eh.” Bumalik sa pagkakaupo si Lauren. Nakampante ang utak at nakaramdam agad ng tagumpay. “Doktor at may ospital ang nagpakilalang ama,” patuloy p

  • Now He Wants Me Back   0062

    “Si Ember nga pala…” baling ni Cassian kay Mathias matapos nilang sang-ayunan ang plano na sinabi ni Willow. Napagdesisyunan nilang sila na nga lang ni Mathias ang pupunta sa event at sinabi na rin ni Mathias sa kapatid na tumawag ito kay Cristina Velasquez para ipaalam na kuya nito ang darating kasama ang kaibigan na interesado rin diumano sa pag-sponsor sa charity programs ng mga Velasquez. “May update na ba kay Ember?” tanong kasunod ni Cassian kay Mathias. “Anong pinagkakaabalahan niya? May trabaho ba siya o sa bahay lang? Sino ang kasama niya sa bahay na tinutuluyan?”“Teka…” ani Mathias at kinuha ang phone sa bulsa. “Mabuti at nabanggit mo pala ‘yan… Early this morning ay may email nga pala akong natanggap mula sa tao ko na nasa Agustin. Iyong inutusan ko roon para bantayan si Ember. Ang sabi niya ay tingnan ko na lang ang mga pinadala niyang pictures kaso tumawag bigla si Alguien kaya inuna ko ang utos ng isa. Nawala na sa isip ko at nasingit pa ang topic natin na event.” “

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status