Hinawakan niya ito sa kamay. Hinayaan lang siya nito. “Be a good girlfriend to me, Crystal,” wika niya saka hinalikan ito sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa niya pero mas nagulat si Crystal. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa ’yon. Ang puso niya ang nag-utos.“Ahm, sorry...” wika niya. “A-ano ang gusto mong kainin for lunch?” tanong niya para i-divert ang awkwardness sa kanilang dalawa.“K-kahit ano... hindi naman ako masyadong nagugutom.”“You need to eat. Ang payat mo na. Ang gusto ko sa babae ay medyo may laman.”“Hahaha... wala akong pakialam sa gusto mo no!”Nabunutan siya ng tinik ng marinig ang tawa ni Crystal, hindi ito nagalit sa kanya.“Wala lang, pinapaalam ko lang sa’yo kung ano ang gusto ko,” nakangiting sabi niya.Kahit paano ay nakalimutan na nila ang nangyaring kiss kanina. Sabay silang lumabas ng elevator at dinala niya si Crystal sa paborito niyang restaurant na nasa harap lang ng kanilang building.“Ano ang gusto mo? At least you have to eat,” wika niya habang ti
Terakhir Diperbarui : 2025-09-17 Baca selengkapnya