Habang nagkakape sila ay madami silang napag-usapan ni Duncan. Madami itong kinukwento sa kanya. Tungkol sa pag-stay nito sa UK, ang mga kaso nitong nahawakan. Hindi sila nauubusan ng topic. Hindi boring kasama si Duncan."By the way, mamaya na din pala ang charity event na pupuntahan natin, ha.""Huh? Oo nga! Wala pa pala akong maisusuot!""If you want, samahan kita ng shopping. Ako na bibili ng damit mo, total ako naman ang nang-abala sa'yo.""Uh, no need. I mean, madami akong damit pero hindi ko pa alam kung ano ang isusuot. Mamimili pa ako sa closet ko.""Hahaha, girls, girls, girls! Palagi n'yong sinasabi na wala kayong masuot pero ang totoo ay wala nang space ang closet n'yo sa dami ng damit n'yo.""Hmp! Siyempre ganyan talaga. At bakit mo alam yan? Wala ka namang kapatid na babae.""Ahm, gano'n din kasi ang girlfriend ko sa UK. Palagi kaming nagsho-shopping ng damit dahil wala na daw siyang damit... well in fact, punong-puno na ang closet niya."Sandali siyang natahimik... may
Last Updated : 2025-09-11 Read more