“C–Crystal…” wika ni Duncan. Akmang lalapitan siya pero siya na mismo ang umiwas. Pinilit niyang ngumiti, kahit nanginginig ang labi.“H-hi, Ma’am Ruby,” magalang niyang bati, pilit pinatatag ang boses. “I’m Crystal, Atty. Duncan’s secretary.”Inilahad niya ang kamay para makipagkamay, pero tiningnan lang siya ni Ruby mula ulo hanggang paa. Mapanuri, at puno ng yabang. Hindi man lang nito inabot ang kamay niya.Naghalukipkip si Ruby at tinaasan siya ng kilay. “Ipagtimpla mo ako ng kape.” utos nito. Ni hindi nito binanggit ang pangalan niya, parang hinid ito interesado sa pagpapa“Ruby!” saway ni Duncan, halata ang galit. “Hindi siya utusan dito!”“What?” balik ni Ruby, mariing tumingin kay Crystal. “Secretary siya, ‘di ba? So ipagtimpla niya ako ng kape. Unless may ibang posisyon pa siya sa’yo, Duncan?” may diin ito sa huling salita, puno ng panunuya. “Is she your lover?”“Shut up, Ruby!” singhal ni Duncan, halos pasigaw na. Kita sa mukha nito ang pagpipigil, ang galit na gusto nang s
Huling Na-update : 2025-10-09 Magbasa pa