Siya na ang nag-drive ng kotse niya. Excited na siya sa trabaho, first work niya iyon simula nang nag-graduate siya 2 years ago. Hindi naman siya bobo. In fact, CPA na siya. Ayaw na lang niya talaga magtrabaho. Why work kung nakukuha naman niya ang lahat, ’di ba?Pagdating niya sa opisina ay umakyat agad siya sa opisina ng daddy niya. Ang ibang mga empleyado ay nakakakilala sa kanya, ang iba naman ay hindi.Hmp… makikilala n’yo din ako mamaya na ako ang boss n’yo, sambit niya sa sarili.“Where's dad?”Tanong niya sa sekretarya ng daddy niya.“Ahm, ma’am, may appointment ba kayo kay Sir Angelo?” Napatingin siya ng marahas sa sekretarya. Bago kasi ito kaya hindi siya kilala.“I don’t need an appointment.”“Ehh, may kausap po kasi siya sa loob. Puwede bang maghintay ka muna doon sa waiting area? Saka sasabihin ko pa sa kanya kung kakausapin ka niya o hindi. May I know your name, ma’am?”“Crystal. And I don’t want to wait anymore!” wika niya saka dire-diretsong pumasok sa opisina.“Ma'am!
Huling Na-update : 2025-09-15 Magbasa pa