"Hali na kayo at may pag-uusapan tayo."Umupo silang dalawa sa bakanteng upuan sa harap ng Daddy niya.“Ano ang pag-uusapan natin, Dad?”Humugot muna ito ng malalim na hininga. “Nawawalan na ako ng pag-asa dahil parang may humaharang sa imbestigasyon tungkol sa nangyari sa’yo, iho. Pakiramdam ko ay inuunahan tayo sa lahat ng ebidensya na makapagtuturo kung sino ang may salarin.”Tumigas ang mukha niya sa narinig. Gusto niyang sabihin na si Thor ang may salarin at may gawa nito sa kanya pero baka magalit ang Daddy niya. Kahit papaano ay mahal nito ang pinsan niya kahit pa adopted lang ito. Ayaw niyang magbigay ng statement na walang ebidensya.“Pero hayaan mo, anak, hindi ako titigil hangga’t hindi mabigyan ng hustisya ang kaso mo.”“Salamat, Dad.”“Anyway, maiiwan ko muna ulit kayo. May meeting pa ako sa munisipyo. Crystal, ikaw muna ang bahala sa anak ko ha. Ikaw naman, Duncan, ‘wag mong pikunin si Crystal. Baka iwan ka niyan, kawawa ka.”“Hahaha… okay, Dad. Hindi ako iiwan nito. Mah
Last Updated : 2025-11-26 Read more