Yun nga ang ginawa niya at nagpalit sila ng pwesto ni Thor. Nagpapasalamat siya, kahit pa paano ay may katulong siya sa paghahanap kay Crystal. Hindi siya nag-iisa. Kung siya lang ay baka hindi na niya alam ang gagawin sa sobrang takot at kaba. Ang daming pumapasok sa utak niya. Paano kung sinaktan ni Asia at Ruby si Crystal? Paano kung wala na silang aabutan?Wala sa sarili sinuntok niya ang compartment ng kotse. Nagulat sina Loraine at Jessica na nasa likod.“Kalma lang, pinsan... mahahanap natin si Crystal,” sabi naman ni Thor.Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya.“Hello?”“Atty. Duncan, pulis po ito. May nakakita sa kotse na ayon sa description at plate number na ibinigay ni Sir Thor sa amin. Lumabas sila ng Cavite, papunta silang south.”“Sige, salamat. Papunta na din kami ng south. Kapag may iba pa kayong detalye, pakitawagan na lang ulit ako, officer.”“Ok po, Atty.”“Sa south tayo, Thor,” utos niya pagkababa ng telepono.“Kung sa south sila pupunta, may posibilidad na doo
Last Updated : 2025-11-02 Read more