Pagkarating niya sa condo, tahimik ang buong unit. Dapat sanay na siya, pero umaasa pa din siya na sana ay may kasama siya sa buhay at sumasalubong sa pagdating niya o di kaya’y may pagkain nang nakahanda sa lamesa.Simple lang naman sana ang gusto niya, pero mahirap pa din iyong abutin... lalo na’t si Heaven ang gusto niyang makasama sa pagtanda, at ang babaeng gusto niya ay nag-uumpisa pa lang sa career nito bilang doctor at mukhang walang planong mag-settle down kahit kailan.Nilapag niya ang bag na dala sa sahig at mabagsak na umupo sa couch. Pagod na pagod siya sa practice. Gutom din siya pero tinatamad siyang magluto. Kinuha niya ang cellphone at nag-scroll ng kaunti. Nakita niya ang MyDay ni Heaven, picture ito na nasa clinic kasama ang mga staff.“Ako kaya, kailan ima-MyDay ni Heaven?” tanong niya sa sarili.Masaya siya para sa dalaga, pero nalulungkot din siya dahil pakiramdam niya ay nilalayo na naman sila ng tadhana. Siya ay babalik na sa pagba-baksetball, samantalang si He
Terakhir Diperbarui : 2025-05-13 Baca selengkapnya