Tahimik ang buong paligid matapos kong isara ang gate. Akala ko, tapos na. Akala ko, aalis na sila. Pero ilang minuto pa lang ang lumipas, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Mabigat man ang loob, kinuha ko ang telepono. Si Razen ang sender. Razen: We’re still here outside. Hindi kami aalis hangga’t hindi namin nasisiguro na ayos ka lang. Kahit ngayon lang, Lyl. Just ignore Raze. Feign ignorance. Napasinghap ako at napahawak sa dibdib. Bakit ba kasi ang kulit nila? Pero may parte rin sa akin na parang kinakalabit ng konsensya. Makalipas ang ilang sandali, sumilip ako sa gate. At totoo nga, nandoon pa rin sila. Si Razen, si Nicole, at si Raze, lahat nakatayo sa labas. Si Nicole, hawak pa rin ‘yung paper bag ng gamot. Si Razen, naka-cross arms. At si Raze, katulad ng dati, nakaupo lang, nakasilong sa lilim ng kotse, pero ramdam ko ang presensya niya. Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang may kasalanan o sila. Pero... wala naman sigurong masama kung papas
Last Updated : 2025-07-16 Read more