KANINA pa patingin-tingin si Weston sa kanyang relong pambisig. Kanina pa siya nakauwi, pero wala pa rin si Saskia at malapit na ring magtakip-silim. Ang sabi sa kanya ni nanay Lita, ay nagpaalam daw itong mamasyal lang, siguro ay nawili ito kaya hindi namalayan ang oras.Paroo’t parito siya sa living room habang hinihintay niya ang padating nito, excited na siyang sabihin dito na pinapatawad na niya ito at naniniwala na siya rito. Alam kasi niyang sobra iyong matutuwa, dahil iyon naman talaga ang matagal na nitong inaasam; ang mapatawad at paniwalan niya ito.Pasado alas-seis y media na ng gabi nung sa wakas, ay dumating na rin si Saskia. Sa pintuan pa lamang ay sinalubong na niya ito at akmang yayakapin, pero mabilis itong umilag na parang takot na takot.“Please, huwag mo na akong sasaktan, huwag mo na akong hahawakan, dahil pipirmahan ko na ang annulment paper,” garalgal ang boses na sambit nito.Napakunot siya ng noo, baka akala nito ay kakaladkarin na naman niya ito dahil late n
Last Updated : 2025-06-01 Read more