Share

Chapter 135

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-06-01 14:39:16

KANINA pa patingin-tingin si Weston sa kanyang relong pambisig. Kanina pa siya nakauwi, pero wala pa rin si Saskia at malapit na ring magtakip-silim. Ang sabi sa kanya ni nanay Lita, ay nagpaalam daw itong mamasyal lang, siguro ay nawili ito kaya hindi namalayan ang oras.

Paroo’t parito siya sa living room habang hinihintay niya ang padating nito, excited na siyang sabihin dito na pinapatawad na niya ito at naniniwala na siya rito. Alam kasi niyang sobra iyong matutuwa, dahil iyon naman talaga ang matagal na nitong inaasam; ang mapatawad at paniwalan niya ito.

Pasado alas-seis y media na ng gabi nung sa wakas, ay dumating na rin si Saskia. Sa pintuan pa lamang ay sinalubong na niya ito at akmang yayakapin, pero mabilis itong umilag na parang takot na takot.

“Please, huwag mo na akong sasaktan, huwag mo na akong hahawakan, dahil pipirmahan ko na ang annulment paper,” garalgal ang boses na sambit nito.

Napakunot siya ng noo, baka akala nito ay kakaladkarin na naman niya ito dahil late n
Serene Hope

Good afternoon, pasensiya na po sa mga readers ko rito kung ngayon lang ako nakapag-update, thank you..

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
(^_^)
so ngayon alam mo na yong feelings na natauhan? alamin mo muna bago ka gumawa ng kaparusahan....
goodnovel comment avatar
Nelda Yabut
hirap KC sayo Weston d mo man inalam muna kung anu ang katotohan pinairal mo agad ang galit mo ..ngayon natauhan na c saskia buti nga sayo
goodnovel comment avatar
Nelda Yabut
buti nga sayo Weston. alam mo NMN naahal na mahal ka ni saskia pero pinili mong HND to paniwalaan ngayon nganga ka iniwanan ka na ni saskia
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 138

    KINABUKASAN ay hindi si Saskia tinantanan ng kanyang mommy hangga’t hindi niya sinasabi rito at sa daddy niya ang dahilan ng biglaan niyang pag-uwi sa kanilang bahay. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang magsabi.Lahat niya sinabi, maliban sa kung paano siya marahas na angkinin noon ni Weston, dahil parang hindi niya kayang ikwento iyon sa mga magulang. Pakiramdam niya, ay pribadong bagay iyon na siya lang ang dapat na makaalam.“So, opisyal na pala kayong hiwalay ni Weston? Hindi ko man lang nakitaan siya ng senyales na galit siya sa ‘yo nung inimbita namin kayo rito na mag-dinner noong nakaraan,” sambit ng daddy niya.Hindi niya maarok ang reaksyon nito, kung may galit ba ito kay Weston o wala, dahil napakahirap basahin ng ekspresyon nito.“Paano ‘yang ipinagbubuntis mo? Hindi mo ba talaga ipapaalam iyan sa kanya?” tanong ng mommy niya.“Hindi na po, mommy. Panahon na lang po siguro ang gagawa ng tadhana para magkakilala sila ng anak niya balang araw. Hindi ko po talaga kayang ip

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 137

    BITBIT ni Sania ang isang tray na naglalaman ng isang mangkok na umuusok-usok pang lugaw na kakahain niya lang papunta sa silid ng kanyang anak na si Saskia. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na kaya ito umuwi ng biglaan at alanganing oras sa kanilang bahay, ay dahil may hindi ito pagkakaintindihan ng asawang si Weston.Sa paraan ng pagyakap nito sa kanya, at pag-iyak nito sa kanyang balikat, ay alam niyang may mahirap itong pinagdaraanan at may mabigat itong problema. Kung anuman iyon, ipinapanalangin niyang sana, ay makayanan nito kung anuman ang pinagdaraanan nito ngayon.Kumatok muna siya sa pintuan bago siya pumasok sa kwarto ng anak. Akala niya ay madadatnan niya itong nag-aayos ng mga gamit, pero nadatnan niya itong tulog, at may nakita pa siyag isang butil ng luha na tumakas sa isa nitong mata.Maingat niyang inilapag sa mesa ang bitbit na tray, pagkatapos ay umupo siya sa paanan ng anak at pinagmasdan ang kabuuan nito. Napansin niyang parang pumayat ito ng kaunti, may m

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 136

    AGAD na niyakap ni Saskia ang kanyang mommy pagkatapos na mapagbuksan siya nito ng pintuan. Takang-taka naman ito sa ikinikilos niya dahil umiyak siya nang umiyak sa balikat nito, lalo na nung dumako ang mga mata nito sa bitbit niyang maleta.“Kia, anak? May problema ba? At saka, nasaan ba ang asawa mo? Nasaan si Weston? Bakit hindi mo siya kasama?” nagtataka at sunud-sunod nitong tanong.Hanggang sa labas ng gate na lamang siya nagpahatid kina Jamila at Jedrick, dahil ayaw na niyang maabala pa ng labis ang mga ito, lalo na at gabi na. Ang dalawa rin ang naghatid sa kanya kanina sa Villa, pero ibang sasakyan ang ginamit ng dalawa, nanghiram ang mga ito sa isang kakilala para hindi makahalata si Weston na magkakasama sila.“Mom, please. Gusto ko na lang po munang magpahinga, bukas ko na lang po sasagutin ang mga katanungan ninyo,” pakiusap niya rito.“Si-sige anak, kung iyan ang gusto mo. Ang daddy mo pala ay maagang nakatulog, gigisingin ko ba siya para sabihin na narito ka?” malumana

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 135

    KANINA pa patingin-tingin si Weston sa kanyang relong pambisig. Kanina pa siya nakauwi, pero wala pa rin si Saskia at malapit na ring magtakip-silim. Ang sabi sa kanya ni nanay Lita, ay nagpaalam daw itong mamasyal lang, siguro ay nawili ito kaya hindi namalayan ang oras.Paroo’t parito siya sa living room habang hinihintay niya ang padating nito, excited na siyang sabihin dito na pinapatawad na niya ito at naniniwala na siya rito. Alam kasi niyang sobra iyong matutuwa, dahil iyon naman talaga ang matagal na nitong inaasam; ang mapatawad at paniwalan niya ito.Pasado alas-seis y media na ng gabi nung sa wakas, ay dumating na rin si Saskia. Sa pintuan pa lamang ay sinalubong na niya ito at akmang yayakapin, pero mabilis itong umilag na parang takot na takot.“Please, huwag mo na akong sasaktan, huwag mo na akong hahawakan, dahil pipirmahan ko na ang annulment paper,” garalgal ang boses na sambit nito.Napakunot siya ng noo, baka akala nito ay kakaladkarin na naman niya ito dahil late n

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 134

    ANG KANINANG pag-iyak at paghikbi ni Saskia ay mas lumala pa. Iyak na parang nananaghoy; nananaghoy dahil alam niyang mawawalan ng kikilalaning ama ang kanyang anak, dahil sa desisyon niyang tuluyan ng palayain si Weston. At ang isang katanungan na pilit na umuukilkil sa kanyang magulong isipan; tatanggapin kaya ni Weston ang magiging anak nila, sakaling malaman nito na buntis siya?Iyak na parang tumatangis; tumatangis dahil alam niya sa sariling wala nang pag-asa pa na magkaayos sila ni Weston kahit pa magkakaanak na sila, dahil alam niyang wala na rin itong natitira pang pagmamahal sa kanya, kaya nga handa na siyang palayain ito, para na rin sa ikakatahimik nilang pareho.Kaya magdedesisyon siyang huwag nang ipaalam pa kay Weston ang pagbubuntis niya, dahil baka madamay lang sa galit nito sa kanya ang kanyang anak na wala pang kamuwang-muwang sa malungkot at masalimuot niyang mundo kasama ang ama nito.“Sasa, what happened? Bakit parang hindi ka masaya na buntis ka? At saka, nasaa

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 133

    UNTI-UNTING iminulat ni Saskia ang kanyang nanlalabong mga mata. Ang nag-aalalang mukha ng magkapatid na sina Jedrick at Jamila ang unang bumungad sa kanya.“Oh, God! Thank goodness you’re awake!” masayang sambit ni Jamila, pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nito sa mukha.“May masakit ba sa’yo? Nahihilo ka ba? Nagugutom? Nauuhaw?” sunud-sunod naman na tanong ni Jedrick na bakas din sa mukha ang labis na pag-aalala sa kanya.Ngunit sa halip na sagutin niya ang mga katungan ng dalawa, ay tanong din ang isinagot niya sa mga ito.“Nasaan ba ako? Anong…anong nangyari?” nagtatakang tanong niya sabay bangon mula sa pagkakahiga, at inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan nila. Pero muli rin siyang bumalik sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata, dahil parang umiikot ang kanyang paningin.“Sasa! Okay ka lang ba? Sandali, tatawagin ko lang ang doctor!” natatarantang sambit ni Jamila.Agad itong lumapit sa wall-mounted call button na nasa itaas na bahagi ng kinahihigaan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status