“HEY, MISS mo na agad ko?” pabirong tanong sa kanya ni Jedrick pagkatapos nitong sagutin ang kanyang tawag.Tulog na si Wesley kaya dumistansiya siya ng kaunti at pumwesto sa tapat ng bintana.“Bakit, hindi ba pwedeng ma-miss ko ang nagsilbing “kuya” ko sa loob ng halos limang taon?” pabiro rin niyang sagot dito, diniinan niya pa talaga ang pagbigas ng salitang “kuya”.“Grabe ka sa ‘kin, ha? Kuya lang ba talaga? Hahaha!” sambit nito at sinabayan pa ng malutong na halakhak. “Hindi, biro lang. Ito, seryoso na. Bakit ka nga pala napatawag?” dugtong nito kapagkuwan.“Eh, kasi naman, itong anak-anakan mo, gusto na dito ka rin tumira kasama namin. Akalain mo iyon, pagdating na pagdating namin dito kanina, ang daddy niya agad ang hinahanap? Nung sinabi ko na malayo ang daddy niya rito, ikaw naman ang hinanap! Bakit daw ba sa ibang bahay ka umuwi? Gusto raw niya, kasama ka rin namin katulad sa U.S.”“Hahaha! Ang cute naman talaga ni Wesley, akalain mo ‘yon, ayaw akong mahiwalay sa kanya!” war
Last Updated : 2025-06-09 Read more