KANINA pa naghihintay si Weston sa pagdating ng kanyang mommy. Gabi na kasi pero wala pa rin ito. Nagpaalam ito sa kanya kaninang umaga na pupunta kina Saskia para mangumusta, huwag nitong sasabihin na wala itong balak na umuwi, at balak nitong mag-overnight doon?Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon para sana tawagan ito, pero biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang kanyang mommy. Ibinalik na lang niya ulit sa kanyang bulsa ang cellphone bago nagsalita.“Salamat naman at umuwi ka na rin. Doon ka lang ba kina Saskia naglagi buong araw?” nakakunot-noo niyang tanong sa ina.“Oo, bakit, ay masama ba?” tila wala sa sariling sagot nito sa kanya. Sumasagot ito pero parang may ibang laman ang isip.“Wala naman! Nakapagtataka lang kasi, buong araw mo siyang kinumusta? Ano ba ang mga napag-usapan ninyo?”“Kinumusta ko lang siya sa naging buhay niya sa loob ng limang taon. Pagkatapos, nakipaglaro na ako sa napakagwapo niyang anak,” sagot nito na hindi mapuknat
MASAYANG pinagmamasdan ni Saskia ang kanyang anak, habang masaya itong nakikipaglaro sa kanyang lola Diana. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila sa kaniyang silid, ay hindi pa ito umuwi, bagkus ay nakipaglaro nang nakipaglaro ito kay Wesley.Kung hindi pa dumilim ay hindi pa nito maiisipang umuwi. Parang ayaw na nitong humiwalay kay Wesley. Nangako pa ito sa anak niya na araw-araw itong pupunta sa kanila para makipaglaro, na siya namang ikinatuwa ng kanyang anak.Nag-selfie pa talaga ito kasama si Wesley at iyon ang ginawang wallpaper sa cellphone nito. Hindi sana siya papayag, pero nakiusap ito at ang alam naman daw ni Weston ay anak nila ito ni Jedrick, kaya wala siyang dapat na ipag-alala.“Paano ‘yan, apo, Wesley? Mommy-lola is going home now. We’ll play again tomorrow—I’ll be back here. And I’ll bring you a little gift, too. What would you like me to bring you?” ani mommy Diana kay Wesley.“I want a helicopter and an airplane, Mommy-lola!” masiglang sagot naman ni Wesley.“Can you
IBINALING ni Saskia sa ibang direksyon ang kanyang paningin, dahil parang hindi niya kayang tingnan si mommy Diana na umiiyak.“Mommy Diana, hindi ko po alam kung bakit ninyo sa ‘kin sinasabi ang lahat ng ito? Kung tutuusin, dapat ay wala na kayong pakialam sa ‘kin dahil matagal na kaming hiwalay ng anak ninyo. Kung dumanas man siya ng hirap sa paghahanap sa ‘kin, wala naman akong sinabing hanapin niya ako, lalo na at kusa akong lumayo para makalimutan siya. At kung dumanas man siya ng sakit, lungkot at pangungulila sa puso niya para sa ‘kin, hindi ko naman hiningi na maramdaman niya iyon sa ‘kin nung pinili ko siyang iwan. Dahil nung pumirma ako sa annulment paper na matagal na niyang gustong mangyari, ay tanggap ko na sa puso’t isipan ko na hanggang doon na lang talaga kami,” mahabang litanya niya, hindi mapigilang hindi manubig ang mga mata tanda ng labis na emosyon.Humarap ito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi, pilit na hinuhuli ang kanyang mga tingin."Anak, naiintindihan k
NAPASARAP ang tulog ni Saskia kaya tinanghali siya ng gising. Pagbangon niya ay tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone, alas-dies na pala ng tanghali. Napangiti siya nung marinig ang mumunting halakhak at pagtawa ng kanyang anak mula sa labas ng kanyang silid.Minsan lang ito tumawa ng ganoon, kapag may nakakausap itong tao na gusto nito, at nakukuha ang vibes ng anak niya. Alam naman niyang walang ibang pwedeng makapagpatawa nang ganoon sa anak niya kung hindi si Jedrick at ang kanyang daddy, pati na rin ang kanyang mommy.Kapag sila lang kasing dalawa ang magka-bonding, minsanan lang ito tumawa ng ganoon, na para bang sagad ang katuwaan. Nagpasiya siyang lumabas na ng kanyang silid upang puntahan ang kanyang anak at kumustahin. Ngunit nagulantang siya sa nakitang taong kausap nito, si mommy Diana. Paanong?“Kia, anak! Mabuti naman at gising ka na! Papasukin na sana kita sa silid mo para gisingin ka! Excited na kasi akong makita at makausap ka!” natutuwang sambit ni mommy Diana
PAGKAHATID ni Weston kay Katrina sa bahay nito ay agad na siyang umuwi. Gusto niyang ibalita sa kanyang mommy ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Saskia, at ang relasyon nito sa matalik niyang kaibigan, lalo na ang pagkakaroon ng anak ng mga ito.“Oh, anak. Bakit naman parang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo? Pinaghintay ka na naman ba ng matagal ni Katrina? O, nainis ka naman sa presensiya at pagiging maarte niya na wala sa lugar?” tanong nito sa kanya pagbungad pa lang niya sa pintuan.“Nagkita kami ni Saskia sa mall kung saan kami nagpunta ni Katrina,” panimula niya.Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. Bigla rin itong napatayo sa kinauupuan.“Ta-talaga? Ano? Kumusta raw ba siya? Nagkausap ba kayo? Nagkumustahan ba kayo? Ano?” bakas sa tinig nito ang excitement.“Nagkita kami, pero kasama niya si Jedrick, ang matalik kong kaibigan. At…may anak na sila…” pigil ang galit na sagot niya.“A-ano? Si Jedrick? Anak nila? Pero…paano?” nalilitong sambit nito.“Kung ala
NAGKATINGINAN sina Saskia at Jedrick dahil sa biglaang paglitaw ng mommy niya kasunod ang kanyang daddy. Hindi tuloy niya alam kung sasabihin ba niya sa mga ito ang hindi inaasahang pagtatagpo nila ni Weston.“Anak, tinatanong kita? Ano ba kako ang nangyari dahil napakaaga ninyong umuwi? Tila hindi man lang nag-enjoy itong apo ko, gusto pa sigurong maglakad-lakad ni Wesley sa mall, pero ikaw naman itong gustong umuwi agad. Dapat nga nililibang mo ‘yang anak mo dahil first time niya rito, nag-a-adjust pa ‘yan, eh,” parang may himig sermon na sambit sa kanya ng mommy niya.Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang sariling bibig na magsalita ng marahas.“Eh, kasi naman, mommy! Masayang araw ng pamamasyal sana namin ngayon dahil kakauwi lang namin, eh, hindi ko naman inaasahan na magtatagpo kami ng walanghiyang lalaking si Weston! Ang kapal-kapal ng mukha niya! Pagbintangan ba naman kaming dalawa ni kuya Jedrick na may relasyon at anak namin si Wesley! Ang kapal-kapal-kapal-kapal ng mukh