"Good morning Mr. Valdez. Pasensya na kung na-late ako, naipit kasi ako sa traffic.""It's alright, Ms. Andeza. Kararating ko lang din naman e." Tumayo ang lalaki at pinaghila ng silya si Nathalie. Nang maupo ang dalawa ay nag-usap sila saglit bago sila tumawag ng waiter.Masayang nag-uusap ang dalawa habang kumakain. "Hindi pa ako nagbe-breakfast kaya umorder ako nang marami, sana ay hindi ka ma-turn off Mr. Valdez." Ani Nathalie habang ngumunguya, nakaumbok ang mga pisngi nito."No worries Ms. Andeza. Actually, na-amuse ako sa mga babaeng hindi nagpipigil sa sarili n'ya sa pagkain. Alam mo namang ang mga kababaihan ay laging concern sa looks at figure nila.""Totoo, pero hindi naman ako ganun. Dahil hindi naman ako tabain, hindi ko pinipigilan ang sarili ko na kumain ng marami lalo na kung gutom na gutom ako.""Then, hindi din siguro ako dapat magpigil, lalaki ako kaya mas magana akong kumain." May kahulugan niyang wika. "Ano sa tingin mo Ms. Andeza, bakit hindi kaya tayo mag compe
최신 업데이트 : 2025-05-01 더 보기