Share

Chapter 24 –She's My Wife

Penulis: M.E Rodavlas
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-06 20:35:40

Tapos na ang meeting ngunit naroon pa rin sa meeting room si Nigel. Nakangalong-baba ito habang salubong ang kanyang mga kilay, makikitang mainit ang ulo nito. Kanina lang ay ilan sa mga kasama sa meeting ang kanyang sinabon dahil sa pagkakamaling nagawa ng mga ito sa trabaho, ni wala siyang kaalam-alam na may nangyayari na pala sa ibaba.

Nakatayo lang sa gilid ni Nigel ang assistant niyang si Andy. Pagsulyap-sulyap ito sa kanyang boss, gusto sana niya itong tanungin kung ano ang susunod niyang gagawin ngunit natatakot naman siya dahil nalalaman niyang hindi maganda ang disposisyon nito.

Sa pagkabagot ay dinampot n'ya ang laptop na nasa mesa. Habang nag-iisip kung paano ma-aalis ang kanyang pagkainip gamit ang computer ay aksidente niya itong nailagay sa cctv footage. Mag e-exit na sana siya nang mahagip ng kanyang paningin ang footage sa lobby. Na-intriga siya nang makitang tila may kaguluhang nagaganap doon. Tiningnan n'ya ang dalawang guwardiya na may hila-hilang babae habang n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 25 – The Debt Three Years Ago

    Nang magmulat ng mga mata si Nathalie ay ang puting kapaligiran ang agad na bumungad sa kanya, kaya nalalaman niyang nasa hospital s'ya. "Nat! Gising ka na pala! Kumusta ang pakiramdam mo?" Agad at may pag-aalalang tanong ni Lucille nang makitang gising na anak. "Ano ba ang nangyari, nat? Bakit ka biglang inatake? Ang akala ko pa naman ay hindi seryoso ang lagay mo nang sabihin sa akin ni Lorraine ang tungkol sa kondisyon mo, yun pala...." Maluha-luha niyang wika dahil sa pag-aalala."Ma...." Inabot ni Nathalie ang ina at hinimas-himas ito sa braso. "Hindi naman talaga ganun kalala ang lagay ko e, na-agitate lang ako. Saka, kayo ba naman kaladkarin nang ganun nung dalawang guwardiya na yun–" bigla siyang natigilan nang biglang may maalala. "Ay naku, oo nga pala!" Dali-dali niyang inalis ang kumot at agad umalis sa kama."Hoy, anong nangyayari sa'yo? saan ka pupunta?""Si Nigel 'ma..... kailangan ko siyang makausap!""A-ano? Teka sandali, nat!" Habol at tawag ni Lucille.Ngunit bago p

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-06
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 1 – Other Woman

    NATHALIE ANDEZA Agad akong naupo nang naalimpungatan ako sa pag aalalang baka late na ako ng gising. Nang tingnan ko ang wall clock ay saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang sakto lang pala ang gising ko. Nagtungo ako sa kusina para magluto na ng almusal para sa aking kamahalan, para sa aking mahal na asawa na si Nigel na laging maagang pumapasok sa kumpanya. Mabuti na lamang ay wala pa kaming anak dahil kung hindi ay baka lagi na lang akong pagod sa pag-aasikaso sa kanila. Pero paano nga ba kami magkaka-anak kung wala namang nangyayari sa min? Ipinagkasundo kaming makasal ng aming mga magulang, ngunit noon pa man ay minahal ko na si Nigel, since college pa. Sa kasamaang-palad ay wala siyang nararamdaman para sa kin. Nagluto ako ng masustansiyang almusal na dinisenyuhan ko pa ng puso na hindi din pinansin at na-appreciate ng asawa ko. Tahimik lang siya'ng kumakain at tila walang pakialam sa paligid n'ya. "Bakit ka nagluto nang marami?" Tanong n'ya. Sa wakas may

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-09
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 2 – Divorce

    NATHALIE ANDEZA Ang babae ay walang iba kundi ang bestfriend kong si Elaine, at kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan kung paano sila maglambingan ng asawa ko sa kama habang magkayakap pa sila. Parang nagkaroon ng slomotion ang paligid habang nararamdaman ko ang unti-unting pagkirot ng aking puso. Ang babaeng ito, nalalaman niya kung gaano ako nag-alala at kung gaano ako ka-frustrated nang sabihin ko sa kanya ang duda ko na maaaring may ibang babae ang asawa ko. Nakisimpatya pa siya sa akin at kinomfort pa ako, yun pala......... isa siyang ahas! Pinaglalaruan lang pala n'ya ako!"Nigel, kiss me!" Request ng ahas na si Elaine habang nakanguso pa na parang bata. Binigyan naman siya ng peck sa labi ni Nigel. Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko habang nakikita ko kung gaano ka-masunurin ang asawa ko sa ibang babae. Ang sakit sa dibdib at parang ang hirap huminga. Nakita ko na muling ngumuso si Elaine. "You don't love me anymore!" Aniya.Kinuha ng asawa ko ang isang soup n

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-09
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 3 – The Truth

    "A-ano?" Tila nabingi sa narinig si Nathalie. "Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Ayan, binibigyan na kita ng kalayaan." Sagot ni Nigel.Humakbang palapit si Nathalie. "N-nigel, ano bang sinasabi mo diyan?" Nakaramdam siya ng takot. Bagaman palagi siyang sinasaktan ng asawa, ngunit, hindi n'ya gustong mawalay dito."Ang sabi ko ay mag-divorce na tayo. Isa pa, alam mo na rin naman ang tungkol sa min ni Elaine, diba? Pero bakit mo sinabi kay dad ang tungkol doon kahit alam mo na'ng magagalit siya? Saka, diba kaibigan mo si Elaine, hindi mo man lang ba siya inisip? Bakit ang lupit mo?"Napaisip si Nathalie. 'So, alam na pala ng mga in-laws ko ang tungkol sa relasyon ni Nigel sa ibang babae...... pero, wala naman akong sinasabi sa parents n'ya.'Pasalampak na naupo si Nigel, lumagok ito ng beer. "Hindi bale na, magdi-divorce din naman tayo e....... Umalis ka na sa buhay ko Nathalie, tapusin na natin ang nakakasakal na marriage na 'to, tutal wala na naman sa akin ang lahat e, kaya wala n

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-09
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 4 – The Truth/His Regret

    Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw. "At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina." "Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!""Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko." Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!"Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag b

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 5 – The Aftermath

    Tahimik na nanangis si Nigel habang ang kanyang mukha ay nakabaon sa kanyang mga palad. Bakit sa ganito nauwi ang lahat? Bakit ngayon lang niya ito nalaman? Mahirap na nga para sa kanya ang tanggapin ang nadiskubreng kasamaan ni Elaine, bagaman makukulong ito ngunit ang importante ay buhay naman ito. Subalit sa nadiskubre n'ya ngayon, bukod sa maling tao pala ang kanyang minahal, ang nakalulungkot pa ay hindi na n'ya maitatama pa ang kanyang mga pagkakamali. Wala na si Nathalie, hindi na n'ya ito makikita pang muli.Ilang oras na ang lumipas ngunit tulala pa rin si Nigel. Mabuti na lang ay walang nangailangang gumamit ng surgery room. Tiningnan n'ya ang lukot na liham at napansin niyang hindi pa pala niya nababasa lahat. Iniunat n'ya iyon at muling binasa:"Nang makalabas tayo ay pareho tayong dinala sa hospital. Nasunog din kasi ang buhok ko at nakalanghap ng usok, pero hindi ko naisip na ita-transfer ka sa ibang hospital. Nang hinanap kita, hindi na kita nakita."Dahil sa public

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 6 – Changes

    "Michael, stop running, come back here!" Sigaw ng isang blonde na babae sa malikot niyang anak sa loob ng eroplano.Imbes na makinig ay binelatan pa ng bata ang kanyang ina at nagpatuloy sa pagtakbo, ngunit sa kanyang pagliko ay bumangga s'ya sa paparating na babae. Humagis siya at bumagsak sa sahig na una ang puwit."I'm sorry, are you okay?" Iniunat ng babae ang kanyang kamay para tulungan ang bata ngunit tila nagtanim ito ng sama ng loob dahil napahiya ito.Hinampas ng bata ang kamay niya palayo at galit na tumayo. Iniangat niya ang maliit niyang kamay at sinuntok ito. "Bad woman! Ugly witch, why did you kicked me?"Isang may-edad na babae ang biglang lumapit sa kanila, hinila nito ang babae at itinago ito sa likuran niya. Pinandilatan n'ya ang bata. "Whose child this is? You have no manners! Didn't your parents teach you?"Lumapit ang ina, hinila ang kanyang anak at humingi ng paumanhin. "I'm sorry, I'm sorry, I'm his mother. This child is quite naughty and mischievous, I hop

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-16
  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 7 – Unexpectedly

    Nakatayo si Nathalie sa labas ng pinto habang hinihintay ang kanyang ina, tinawag kasi ito ni Rebecca dahil meron itong ibibigay dito na confidential daw. Habang naghihintay ay narinig na lang n'ya na may tumatawag sa kanya sa malayo kaya napatingin s'ya.Nataranta s'ya nang makilala kung sino ito; nakita na lamang n'ya ang dating asawa na tumatakbo't lumalakad papunta sa kanyang direksyon. Dahan-dahan siyang lumakad palayo para hindi siya maging kahina-hinala. Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinawagan ang kanyang ina."Naku! Nandiyan na ang anak mo sa labas." Ani Lucille kay Rebecca."Sa likod ka dumaan."Nang makarating na sa pinto si Nigel ay biglang lumabas ang kanyang ina, bigla siyang niyakap nito nang makita siya. "My good son I miss you! Saan ka ba nanggaling, bakit ngayon ka lang umuwi?"Nagtangkang kumawala si Nigel mula sa kanyang pagkakayakap para sundan ang direksyong tinunguhan ni Nathalie ngunit mahigpit ang pagkakayakap ni Rebecca sa kanya. "Mom, p

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-16

Bab terbaru

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 25 – The Debt Three Years Ago

    Nang magmulat ng mga mata si Nathalie ay ang puting kapaligiran ang agad na bumungad sa kanya, kaya nalalaman niyang nasa hospital s'ya. "Nat! Gising ka na pala! Kumusta ang pakiramdam mo?" Agad at may pag-aalalang tanong ni Lucille nang makitang gising na anak. "Ano ba ang nangyari, nat? Bakit ka biglang inatake? Ang akala ko pa naman ay hindi seryoso ang lagay mo nang sabihin sa akin ni Lorraine ang tungkol sa kondisyon mo, yun pala...." Maluha-luha niyang wika dahil sa pag-aalala."Ma...." Inabot ni Nathalie ang ina at hinimas-himas ito sa braso. "Hindi naman talaga ganun kalala ang lagay ko e, na-agitate lang ako. Saka, kayo ba naman kaladkarin nang ganun nung dalawang guwardiya na yun–" bigla siyang natigilan nang biglang may maalala. "Ay naku, oo nga pala!" Dali-dali niyang inalis ang kumot at agad umalis sa kama."Hoy, anong nangyayari sa'yo? saan ka pupunta?""Si Nigel 'ma..... kailangan ko siyang makausap!""A-ano? Teka sandali, nat!" Habol at tawag ni Lucille.Ngunit bago p

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 24 –She's My Wife

    Tapos na ang meeting ngunit naroon pa rin sa meeting room si Nigel. Nakangalong-baba ito habang salubong ang kanyang mga kilay, makikitang mainit ang ulo nito. Kanina lang ay ilan sa mga kasama sa meeting ang kanyang sinabon dahil sa pagkakamaling nagawa ng mga ito sa trabaho, ni wala siyang kaalam-alam na may nangyayari na pala sa ibaba.Nakatayo lang sa gilid ni Nigel ang assistant niyang si Andy. Pagsulyap-sulyap ito sa kanyang boss, gusto sana niya itong tanungin kung ano ang susunod niyang gagawin ngunit natatakot naman siya dahil nalalaman niyang hindi maganda ang disposisyon nito. Sa pagkabagot ay dinampot n'ya ang laptop na nasa mesa. Habang nag-iisip kung paano ma-aalis ang kanyang pagkainip gamit ang computer ay aksidente niya itong nailagay sa cctv footage. Mag e-exit na sana siya nang mahagip ng kanyang paningin ang footage sa lobby. Na-intriga siya nang makitang tila may kaguluhang nagaganap doon. Tiningnan n'ya ang dalawang guwardiya na may hila-hilang babae habang n

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 23 – Hope And Sufferings

    Nang makapasok ng building ay inayos-ayos muna ni Nathalie ang sarili; bahagya niyang hinatak pababa ang kanyang skirt at inayos-ayos ang kanyang buhok bago lumapit sa receptionist. "Excuse me, I'm here to see the Ceo.""Wait lang po ma'am, i-che-check ko lang po kung may appointment kayo, ano po ang buong pangalan n'yo?" Matapos suriin ang kanyang listahan ay: "Pasensya na po ma'am, wala po pala kayong schedule."Natigilan si Nathalie. "Wala? Paanong wala, e kagabi lang ang sabi n'ya sa akin ay pumunta ako dito ng kahit na anong oras?"Hindi sumagot ang receptionist ngunit tiningnan nito si Nathalie nang may bahagyang pagdududa.Nakita ito ni Nathalie kaya nahimas n'ya ang sariling noo. "Miss, alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo, pero maniwala ka, may usapan talaga kami ng boss mo. Baka naman puwedeng papasukin mo na ako.""Pasensya na talaga ma'am, labag po kasi yun sa policy naming mga receptionist e, kapag pinagbigyan ko kayo, ako naman po ang mananagot."Walang nagawa ang

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 22 – Joint Venuture Agreement

    Pagpasok ni Nigel sa loob ng café ay hinanap n'ya si Nathalie, nakita na lang n'ya ito na kumakaway sa kanya sa may bandang sulok na puwesto. Bahagya niyang inayos ang unat naman niyang suit at marahang lumapit, ang kanyang tindig at pag-kilos ay nagdulot ng pagsulyap mula sa mga babaeng socialite na naroong kumakain. Kahit kasama ng mga ito ang kani-kanilang partner sa kanilang mesa ay wala sa loob ng mga ito'ng napatitig sa makisig na lalaki na napadaan lamang. Nang makita ang naging reaksyon ng mga kababaihan sa paligid ay umirap si Nathalie. "Ba't ang tagal mo?" Masungit niyang tanong paglapit at pag-upo ni Nigel.Hindi pinansin ng lalaki ang tanong n'yang ito, agad n'yang kinuha ang dalawang menu na magalang na iniabot ng isang kararating lang na waiter. "Order whatever you want." Aniya matapos mailapag ang isang menu sa tapat ng kasamang babae sa mesa.Marahang itinulak pabalik ni Nathalie ang menu kay Nigel. "Ayokong kumain, busog ako." "Just order coffee then." Suhestiyon ng

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 21 – Business Opportunity

    Nang makita ni Nathalie ang pagtayo ni Nigel ay inakala niyang nagtagumpay na siya sa pangbu-buwisit dito. Inakala niyang aalis na ito, ngunit nagtaka siya nang lumapit ito sa kanya. Saka na lamang n'ya napagtanto ang lahat nang bigla siyang umangat sa kanyang kinauupuan.Mabilis ang mga pangyayari, namalayan na lamang ni Nathalie na nakaupo na siya sa kandungan ng dating asawa. Mabilis siyang nag-react at agad sanang tatayo ngunit mas mabilis sa kanya ang lalaki. "N-nigel Sarmiento, ano ba ang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!" Nagsisimula nang mamula ang magkabilang pisngi ni Nathalie sa kahihiyan, hindi nya akalain na aakto nang ganito ang dating asawa. Sinubukan n'yang kumawala. "N-nigel, please..... nakakahiya..." Paanas niyang wika."Nakakahiya? Ikinahihiya mo na ba ako ngayon?" Sinulyapan ni Nigel ang mga tao sa paligid. Nakita niyang tanging ang mga kababaihan lang ang sumusulyap-sulyap sa kanilang dalawa habang ang mga kalalakihan naman ay umaakto na parang walang nakikita.

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 20 – Expostulation

    "Anong balita?" Tanong ni Nigel sa kabilang linya. Nasa kumpanya pa ito at nagtatrabaho overtime."Sir, si Ms. Andeza po ay nagpunta sa isang high-end hotel. Kaya lang ay hindi ko po alam kung saan s'ya nag check in kasi againts daw yun sa rules ng hotel sabi ng receptionist." Sagot ng inupahang tao ni Nigel na kanyang naatasan para sundan si Nathalie.Sumeryoso ang ekspresyon ni Nigel. Binitiwan niya ang hawak na ballpen at tumayo, iniunat niya ang bahagyang nalukot niyang suit. "Naintindihan ko. Magmatyag ka lang diyan hangga't hindi pa ko nakakarating." Nagtungo agad siya sa naturang hotel.Gamit ang kanyang impluwensiya ay madaling nalaman ni Nigel kung saan naroon si Nathalie. Habang binabagtas ang pasilyo patungo doon ay nakita n'ya ang kanyang pakay habang patungo ito sa kung saan. Tahimik niya itong sinundan hanggang sa hilahin niya ito papasok sa restroom."Bitiwan mo ko, sino ka ba?!" Pumiglas si Nathalie sa humila sa kanya, ngunit nagulat s'ya nang makita kung sino ito.

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 19 – Failed Condition

    Napatikhim si Nigel habang bigla namang namula si Nathalie. Wala sa loob na naayos ni Nigel ang suot na business attire at ang kanyang buhok kahit hindi naman ito nagulo o nalukot. Agad na tumayo si Nathalie at dumistansya mula sa dating asawa, naupo siya sa malayo-layo.Muling tumikhim si Nigel at nagtanong: "Um, ano nga uli ang pinag-uusapan natin?""Tungkol sa pagpapadala mo ng mga bulaklak sa kin....." Bumalik ang kasungitan ni Nathalie. "Inuulit ko Mr. Sarmiento, pakiusap lang, huwag mo na akong padadalhan ng bulaklak o kahit ng kung anu-ano. Ayokong tumanggap ng kahit ano mula sayo."Napaisip saglit si Nigel. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Pero may kondisyon ako."Umangat ang kilay ni Agnes. "At talagang mangongondisyon ka pa! Sino ka ba sa inaakala mo para magbigay ng kondisyon sa kin?"Hindi pinansin ni Nigel ang pagsusungit ni Nathalie, tila wala itong narinig. "Ang kondisyon, mula ngayon ay ipapaalam mo na sa kin ang mga magiging lakad mo at kung sinu-sino ang mga katatagpui

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 18 – Blocking Him

    Hindi nakasagot si Nathalie, napapa-isip ito nang malalim. Dapat nga ba n'yang sabihing natatakot siya na muli itong mahalin? Kung sasabihin n'ya iyon, ano kaya ang magiging tugon nito? Nagkaroon siya ng kagustuhang malaman iyon ngunit sinasabi naman ng kanyang utak na hindi ang muling pakikipagrelasyon ang kanyang prayoridad sa ngayon, dahil may problemang kinahaharap ang kanilang kumpanya at meron pa siyang problema sa kanyang kalusugan."Nathalie, nand'yan ka pa ba?" Saka lang nagbalik sa wisyo si Nathalie, humingi ito ng paumanhin sa kausap at ibinaba na ang telepono. Sumandal s'ya sa kanyang kinauupuan at bumuntong-hininga. Hinimas n'ya ang kanyang sentido. Ngayon lang n'ya na-realize na mahirap pala talagang magkaroon ng kumplikadong relasyon.Kinabukasan, pagpasok ni Nathalie sa kumpanya ay naramdaman agad n'ya ang mga kakaibang tingin ng mga empleyado sa kanya. Gusto na lang niyang himasin ang sariling noo, natanong n'ya sa sarili. 'Ano na naman kaya ang malisyosong dahilan

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 17 – Asking For A Second Chance

    Tulala pa rin si Nathalie nang makauwi, tila nahihirapan s'yang iproseso sa kanya isipan ang tungkol sa sinabi sa kanya ng dating asawa. Hindi n'ya lubos maisip kung paano iyon nagawa ni Elaine sa kanya. Ayon kay Nigel ay inangkin daw ni Elaine ang kanyang kredito at nagpanggap na ito ang nagligtas kay Nigel mula sa sunog sa villa nito.Namasahe ni Nathalie ang kanyang sentido, hindi n'ya alam kung dapat pa ba s'yang masaktan sa nangyari gayong tapos naman na ang lahat, bagaman nasaktan s'ya sa pagtatraydor sa kanya ng dating kaibigan. Kumuha s'ya ng alak at uminom, tila ito ang gusto n'yang maging karamay.Dumating si Lucille galing sa labas at naaktuhang umiinom ang kanyang unica hija. Inilapag muna n'ya ang bitbit na mga shopping bags sa sahig at nilapitan ito. "Nat, bakit ka umiinom? At kailan ka pa natuto n'yan, saan mo yan natutunan?" Kinuha n'ya ang wine glass at kinuha din ang alak sa mesa.Hinayaan lang ni Nathalie ang ina. "Mom, nalilito po ako.... Ano ba ang dapat kong ma

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status