Matapos ibaba ang tawag ni Lizzy ay sunod naman niyang tinawagan ay si Dimitri. Knowing his personality, sigurado siyang inaasahan na ng lalaki ang presensya niya.“Dimitri,” alangan niyang sambit nang sagutin nito ang tawag. “Ayos lang ba kung mamaya na ako makakapunta?”“Bakit?” Malamig na naman ang boses nito.“I’m meeting my friend now,” she answered honestly. “Pupunta na lang ako after lunch,” agad niyang dugtong.“No,” he replied more coldly than his earlier reply.Lumaylay tuloy ang balikat niya hindi lang dahil sa malamig nitong tugon kundi maging sa pakikitungo nito sa kaniya.Hindi lang niya talaga magawang tanggihan si Lizzy dahil hindi ito ang klase ng tao na papalampasin ang ganitong klase ng usapin.“Help me fix lunch with me,” he replied nonchalantly.“Eh, si Norman? Hindi mo ba siya kasama?” Hindi man niya kilala ng buo ang kanang-kamay nito, sigurado naman niyang makagagawa ito ng paraan para madalhan ng pagkain si Dimitri.“Wala siya rito,” tipid nitong tugon.Napabu
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-05-06 อ่านเพิ่มเติม