Hindi magawang pawiin ni Domino ang kabang kaniyang nararamdaman pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Anastasha sa kanilang bahay. Kaya naman nang marinig niya ang hinihingi nitong pabor ay halos hindi na niyang magawang kilalanin ang kaniyang nararamdaman.May parte sa kaniya na labis pa rin ang paghingi nang tawad. Ngunit naroon ang pagsibol nang tuwa na nahahaluan ng konsensya dahil sa kabutihan ng puso nito.At kung tutuusin, mas lalo lang siyang binabaliw ng konsensya niya sa gusto nitong mangyari. “Anastasha,” garalgal ang boses na sambit niya sa pangalan nito. “Kahit saktan mo na ako. Ipabugbog, sambunutan, sampalit, lahat na. Huwag mo lang hilingin ang ganito.”Kahit pa gaano siya kagago, hindi kayang maatim ng konsensya niya na ito pa ang sasalo sa mga pagkakamalit niya. Lalo na’t ni minsan sa siyam na taong pagkakakilala nila ay wala itong ginawa kundi ang mahalin lamang siya.Samantalang taliwas na reaksyon naman ang bumalot sa kaniyang ina. Hindi rin nito nagawang itago ang
Huling Na-update : 2025-04-28 Magbasa pa