Mabibigat ang bawat paghakbang ni Anastasha habang sabay nilang tinutungo ni Dimitri ang mala-mansion na bahay ng mga Lazatine. ItoIto ang kanyang unang pagkakataon na pumunta siyang muli sa malaking tahanang ito mula nang magkaaway sila ni Domino noong araw na iyon. Sa pag-iisip na magtatagpong muli ang landas nila Domino araw-araw sa bahay na iyon, muling nanikip ang kanyang puso.Ang lahat ng mga bagay na ito ay nangyari sa loob lamang ng halos isang linggo. Sa mga araw na nagdaan, dahil kasama niya si Dimitri araw-araw, wala man lang panahon upang kilalanin ang nararamdaman ng kaniyang puso. Hindi na niya alam kung ano pa nga ba talaga ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito.Sa araw-araw na nagdaan, panay si Dimitri na lang ang nakikita niya. At ang galit lang nito sa mundo ang araw-araw niyang nakakasama. Ngayon tuloy, pakiramdam niya nagiging punching bag na lang nila ang isa’t isa sa mga nararamdaman nila. At the same time, it feels comforting knowing na pansamantala silan
Terakhir Diperbarui : 2025-06-04 Baca selengkapnya