Puno ng kuwentuhan ang reception ng kanilang kasal. At dahil wala naman siyang kakilala halos sa mga iyon, napagpasyahan na muna niya ang pansamantalang lumayo. Pumirpi siya sa isang sulok, sa may bandang gilid ng stage kung saan sila nakapuwesto ni Dimitri kanina. Abala rin naman ito sa pagkausap sa ibang bisita kaya nabagot na rin siyang mag-isa.Lumapit sa kaniya si Lizzy, puno nang pag-aalala ang kaniyang mga mata. “Ayos ka lang?” maingat nitong tanong.Pinilit niya ang kaniyang sarili na ngumiti upang hindi ito lubusang mag-alala sa kaniya. “Ayos lang ako. Bored lang talaga dahil wala naman akong kilala sa mga bisita.”“Sure ka, ha?” Tumango siya. “Eh, ang puso mo? Ayos lang ba? Nandito si Domino.”Mahina niya itong pinalo sa braso. “Ano ka ba, huwag mo ngang pinapasok ang bad luck na iyon sa usapan.”“Ewan ko ba naman kasi sa iyo. Magkakagusto ka na nga lang sa gano’ng klaseng tao pa.”Napalab siya. Sa katunayan, na-attract lang naman siya kay Domino noon dahil sa kaguwapuhan ni
Terakhir Diperbarui : 2025-06-11 Baca selengkapnya