CHAPTER 316Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Louie at saka siya nagsalita.“Bilang isang ama rin ay alam ko na mahirap para sa’yo na makita ang iyong anak na nagkakaganyan kaya sana lang ay gumaling pa si Camille,” sabi ni Louie.“Sana nga… sana nga ay gumaling pa siya dahil nitong mga nakalipas na mga araw ay parang mas lalo pa siyang lumalala kaya kailangan ko na talaga siyang dalhin sa ibang bansa,” sagot naman ni Miguel at saka niya muling iniabot kay Louie ang envelop na kanina pa niya inaabot dito. “Kunin mo na ito dahil kumpanya mo naman talaga iyan. Nawa ay wag mo ng ulitin pa ang ginawa mo noon,” sabi pa ni Miguel.Dahan dahan naman na tumango si Louie.“Sigurado ka ba na ayaw mong tanggaoin ang kumpanya ko? Malaki na rin ang nagastos mo rito. Ayos lang naman sa akin na sa’yo na ito mapunta,” sabi naman ni Louie dahil totoong malaki na ang nagastos ni Miguel doon.“Oo, sigurado ako at isa pa ay hindi ko na rin naman iyan maaasikaso pa kaya mas mabuti
Last Updated : 2025-08-26 Read more