CHAPTER 321“Pwede ko na po ba silang mabuhat?” tanong na ni Jillian sa doktor dahil excited na talaga siyang mabuhat ang mga ito“Of course. Sino ba ang gusto mong unang buhatin?” sagot naman ng doktor. “Alam ko na excited ka ng mabuhat sila pareho pero hindi naman pwede na sabay mo silang bubuhatin dahil baka bumuka iyang sugat mo,” biro pa nito.Bahagya naman na natawa si Jillian dahil balak talaga niyang sabihin na pareho niyang gustong buhatin ang kanyang mga anak.“Yung baby girl po muna namin,” sagot ni Jillian.Agad naman na binuhat ng doktor ang sanggol na babae at saka niya ito dahan dahan na inabot kay Jillian.Agad naman na napangiti si Jillian habang titig na titig siya sa kanyang anak. Hindi pa nga niya namalayan ang pag alpas ng kanyang luha ng dahil sa sobrang saya niya.“Grabe, ang healthy ng mga baby nyo at talagang mabibigat sila parehas. Nakakatuwa rin talaga na tig isa kayo ng kamukha,” sabi pa ng doktor.“Oo nga po dok. Kamukha ko nga po siya,” sagot naman ni Jil
Last Updated : 2025-08-28 Read more