CHAPTER 332Kinagabihan naman noon ay abala naman si Jillian sa pag aasikaso sa kanyang kambal ng biglang pumasok sa loob ng kanilang silid ang kanyang ina.“Nay, may kailangan po kayo?” nagtataka naman na tanong ni Jillian sa kanyang ina dahil para bang aligaga ito na pumasok sa kanilang silid.“Anak, si Harold,” tila hinahapo pa na sabi ni Leony.Parang bigla namang kinabahan si Jillian dahil sa paraan ng pagkakasabi ng kanyang ina at para bang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan.“Bakit po nay? Ano po ang nangyari kay Harold?” hindi na napigilan na tanong ni Jillian sa kanyang ina.“Basta.. tara na sa labas… kailangan mo nang magmadali. Bilisan natin,” sabi ni Leony.“Teka po nay. Saglit lang po… ang kambal po,” sabi ni Jillian dahil patutulugin na sana talaga niya ang kambal.“Ayy.. oo nga pala. Ang mga apo ko nga pala,” sabi ni Leony na sa sobrang pagkataranta ay nalimutan na ang kanyang mga apo. Kinuha naman na niya kaagad ang stroller ng kambal at
Last Updated : 2025-09-01 Read more