CHAPTER 350Habang masayang pinapanood nila Harold at Jillian ang mga nagkakasayahan nilang mga kaibigan at mga bisita ay lumapit naman na sa kanila ang mga magulang ni Harold na kanina pa abala sa kanilang mga kasosyo sa negosyo. Guatong gusto na nga sana ni Shirley na iwan ang kanyang asawa sa paglilibot dahil gusto na lang sana niyang maupo kasama si Leony at ang kanilang mga apo kaso ay nahihiya naman siya sa mga naroon kung hahayaan niya na mag isa lang na mag iikot ang kanyang asawa.“Congratulations mga anak,” agad na bati ni Shirley sa bagong kasal.“Thank you po mom,” magkapanabay naman na sagot nila Harold at Jillian.“Congratulations sa inyo Harold at Jillian,” bati rin naman ni Louie sa dalawa.“Thank you po dad,” sagot naman ng dalawa.“Hay naku! Grabe, nakakapagod maglibot. Kung pwede ko nga lamang na hayaan ang iyong ama na maglibot ay ginawa ko na talaga kanina pa. Kaso ay baka naman sabihin nila ay masyado akong maarte,” reklamo na ni Shirley.Bahagya naman na natawa
Terakhir Diperbarui : 2025-09-07 Baca selengkapnya