CHAPTER 361“Kunwari pa na ayaw pumunta pero tingnan mo naman ang itsura mong yan. Posturang postura ka pa nga kesa sa akin,” sabi ni Jane at inirapan pa niya si Jeffrey dahil napakatagal talaga nito.“Sorry na. Bakit kasi hinintay mo pa ako? Kaya ko namang pumunta roon ng mag isa,” sagot naman ni Jeffrey.“Wow, sorry ha kasi hinintay kita. Imbes na magpasalamat ka kasi hinintay kita ikaw pa itong may gana na magsabi ng ganyan?” sagot ni Jane at saka niya inirapan ang kanyang kapatid.“Magsusungit ka na naman. Sige na. Sorry na.. tara na sa labas dahil hinihinitay na nila tayo roon,” sagot naman ni Jeffrey at saka niya inakbayan ang kanyang ate Jane na nagsusungit na naman.Para namang bata na nakasimangot si Jane habang naka akbay sa kanya ang kanyang kapatid na si Jeffrey. At dahil mas matangkad si Jeffrey kaysa sa kanyang ate ay parang tropa lang niya ito kung akbayan.“Wag ka na ngang sumimangot dyan ate,” natatawa pa na sabi ni Jeffrey habang naglalakad silang dalawa sa pasilyo.
Last Updated : 2025-09-10 Read more