Sa sumunod na araw, maagang nagising si Fae. Banayad ang sinag ng araw na tumatama sa kurtina, at ang malamig na hangin mula sa aircon ay halos ayaw siyang paalisin sa kama. Pero dahil sanay siya sa disiplina at routine, bumangon siya, ini-stretch ang braso, at kinuha ang kanyang telepono.Habang nakaupo sa gilid ng kama, nag-dial siya ng number. Dalawang ring pa lang—"Good morning, Ate Fae!"Isang matamis, napakabanayad, at masiglang boses ang sumagot.Ngumiti si Fae. "Micaela, kumusta ang Baker's Group?"Oo. Ang nasa kabilang linya ay si Micaela—dating suwail, dating magaspang ang ugali, dating puno ng yabang at galit… pero ngayon, ibang-iba na. Buong-buo, mabait, sweet, at parang mas bata pa sa totoong edad dahil sa lambing niya. Pinatawad na siya ng lahat at mahal na mahal niya ang kanyang Ate Fae.Sandaling tumahimik si Micaela bago nag-amin:"Ate… okay naman. Pero… kelan ka babalik ng Cebu? Miss na kita."Napangiti si Fae, napabuntong-hininga, halatang namiss niya rin ang kapat
Last Updated : 2025-11-24 Read more