Ngunit bago pa man tuluyang lumubog ang lahat sa tensyon, isang malakas na sigaw ng babae ang pumailanlang mula sa phone ni Raze, dahilan para mapapitlag ang lahat."Hoy, Raze! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo—bayaran mo na 'yang renta ng bahay mo!" sigaw ng babae mula sa kabilang linya, halos mabingi si Kevin sa tindi ng tinig nito."Kung hindi ka makabayad ngayong linggo, lumayas ka na at huwag nang babalik dito! Narinig mo?!"Click.Marahas na binaba ang tawag.Tahimik.Halos marinig pa ang lagitik ng ilaw sa kisame ng restaurant.Tiningnan ni Kevin ang telepono, nagtaas ng kilay, saka dahan-dahang kinamot ang tenga."Most wanted ka, may patong na milyon sa ulo…" aniya, halatang naiinis. "Pero ni pambayad ng renta, wala ka?"Tumingin siya kay Raze nang may pang-aasar."Langhiya ka, pati landlord mo gigil na sa 'yo."Napayuko si Raze, halatang napahiya, at halos murahin ang sarili."Ano bang klaseng buhay 'to…" bulong niya, sabay buntong-hininga.Bago pa makapagsalita ulit si Ke
Last Updated : 2025-11-14 Read more