"Dustine, bayad na ako sa 'yo. Kaya, wala kang ibang magagawa kundi tanggapin ang mga binayad ko. Isa pa, wala na akong balak bumalik sa bahay mo para lang maging alipin mo. Nakikita mo naman na may anak ako at kapiling na namin ang asawa ko, ang ama ni Kiel. Kaya naman, huwag ka nang magkakamali pang, tawagin mo pa akong alipin," madiin kong wika sa kaniya. Sana naman ay pumasok na 'yan sa isipan niya."Huwag mong kalimutan na, hindi mo ako dapat husgahan nang hindi tama. Lalo na sa harap ng nag-iisa kong anak. Isa pa, itatak mo sa isipan mo. Na, hindi ko kailangan mainggit pa sa asawa mo --- kay Gina. Dahil, alam ko sa sarili ko, na mas lamang ako sa kaniya kahit sa anumang bagay," muling madiin kong tinig sa kaniya. Nagawa kong talikuran siya Ngunit, nang humakbang ako, bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya. Dahilan na mayakap ko siya. Hindi ko alam, ngunit, nais kong maiyak. --- MAHAL KO..."I'm sorry, hindi ko na gagawin ulit 'to. Galit ako sa 'yo, dahil, tinakasan mo ako.
Last Updated : 2025-07-09 Read more