BRENT OF VIEWNasa loob ako ngayon ng opisina ko ng De Guzman Company. Wala akong ibang magawa, jundi ang umupo dito. Habang iniisip ang mga nagawa ko.“Hello, sir… Sir,,,, Maayos lang po ba kayo?” Wika sa akin ng kung sino at ng iba pa. Subalit, walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi si Gina. Kalaunan, na wala ang mga boses ng mga empleyado ko. Tiyak na umalis na sila dito. Iniwan nila akong mag-isa, habang iniisip ko siya.Kahit na galit ako sa kaniya. Sana, hindi ko ginawa ang saktan siya muli ng physical at mga salita ko. Hindi ko akalain, na bigla siyang aalis sa bahay. Hindi ko man alam, subalit, hinahanap ko siya. Gusto ko siyang makita. Hindi ako makapag-focus dahil wala siya. Bakit ba ako tinamaan ng ganito sa kaniya. Alam ko naman na naguguluhan lamang ako. Dahil sa mga pinapakita niya. Ngunit, bakit, nakakramdam ako ngayon ng pananabik at matinding lungkot nang mawala siya. Sin ba siya sa buhay ko? Wala naman siyang halaga.Gina, hindi ko matatanggap ang perang iniwan mo
Terakhir Diperbarui : 2025-06-30 Baca selengkapnya