"Bella. ayos ka lang ba? Huwag mo na masyadong isipin ang mga napag-usapan kanina. Wala nanag magbabago Bella, pero, huwag kang mag-alala. Nandito lang ako para sa 'yo, okay?""Kuya, ngayon ko lang naintindihan. Kaya pala, hindi ako magawang tanggapin ng De Guzman Family. Dahil sa mga mapapait nilang nakaraan ng pamilya ko. Hindi ko man lang malaman kung, kaya pa ba akong tanggapin ni Brent, kung sakaling malaman niya ang buong katotohanan. Hawak pa siya ng sinungaling kong kapatid. Hindi niya ako paniniwalaan. Wala nga akong balita sa kaniya ngayog araw. Hindi ko alam, kung ayos lang ba ang asawa ko.""Bella, hindi mo naman masisisi ang sarili mo. Dahil, kahit naman ikaw ay hindi ginusto ang mga nangyari. Nasa kay Brent na rin kung ano ang desisyon niya. Hindi natin siya madidiktahan lalo na ang puso niya. Pero, dahil mahal mo siya, magagawa mo pa rin ang magtiwala. Pero, Bella, gusto ko lang din sabihin na. Huwag kang umasa. Dahil, mas masasaktan ka lang. Kilala kita Bella, sundin
Last Updated : 2025-07-10 Read more