"DAMN!" halos paangil na usal ni Grayson habang hawak ang basong may lamang alak.Igting ang mga panga na muli niyang inalala ang naging usapan nila ng girlfriend na si Tatia."Let's live together, love." may maluwag na ngiti sa mga labi na sabi ni Grayson sa nobya na naka-unan sa kanyang braso. "I mean, we can get married soon pero gusto na kitang makasama. I can't wait to be with you." dugtong niya habang sinusuklay-suklay ng mga daliri ang buhok ni Tatia.Isang masuyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Tatia. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. Mula sa pagkakahiga ay bahagya niyang inangat ang katawan at padapang hinarap ang lalaki. Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ni Grayson saka niya ginawaran ng magaang halik sa labi ang lalaki."Akala ko ba'y napag-usapan na natin ito, Gray?" mahinahon ang tinig na sabi ni Tatia sa lalaki. "Wedding first." dugtong na saad niya bago tuluynag bumangon.Dinampot ni Tatia ang kanyang puting roba na nasa sahig at isinuot. Tumayo siya at humak
Huling Na-update : 2025-08-22 Magbasa pa