DAHAN-DAHANG BUMUKAS ang malaking gate na nasa harapan ng nakahintong kotse ng Kuya ni Elijah. at tuluyan iyong bumukas ay bumungad sa kanila ang mansyon ng kanilang Lolo Samuel na matayog na nakatayo sa gitna ng malawak na solar.Kaagad na nakaramdam ng panlalamig si Elijah. Hindi pa siya handang harapin ang Lolo niya. And judging by the cars that were parked around the driveway, she was sure as hell na naroon din ang iba pa niyang nakatatandang kapatid. Oh, dear Lord. Kung p'wede lang siyang tumakbo palayo. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema? Sa isiping iyon ay naphugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Elijah. It's now or never. Kailangan niyang harapin ang sitwasyon niya ngayon. Siya naman ang may gawa nito kaya kailangan niyang panindigan. Dahan-dahang umusad papasok sa malawak na solar ang sasakyan ng Kuya niya kaya wala sa loob na napakapit sa gilid ng bintana si Elijah. 'Oh, help me, Lord... ' piping dalangin niya habang papasok sila sa loob ng teri
Last Updated : 2025-11-23 Read more