“Punta tayo sa magarang Italian restaurant,” ideya ni Charlie.“Oo—teka, sandali, masyadong romantic iyon,” sabi ni Taylor.“Oo nga pala.” Umiling-iling si Charlie at sinabi, “Kalimutan mo na. Maglaga na lang tayo ng itlog!”Nagsimula ang exams noong Huwebes at nagpatuloy hanggang sa Sabado. Sa mga oras na ito, nanatili sila sa kani-kanilang mga kuwarto.Noong natapos ang exam nila noong Sabado, tumakbo palabas ng kuwarto si Charlie at hinanap si Taylor sa College of Engineering.Agad niyang nakita na lumabas ng kuwarto si Taylor. “Taylor!”“T*ng ina, natapos din natin sawakas!” sigaw ni Charlie, napukaw ang atensyon ng lahat.Natawa si Taylor sa kung gaano kasaya si Charlie. Noong tumalon si Charlie para yakapin siya, agad niyang inihanda ang kanyang mga braso at inikot siya. “Nagawa natin, Babe! Nakasurvive tayo!”Naghalikan sila sandali, at noong ibaba siya sa sahig ni Taylor, sinabi niya, “Dapat may trophy tayo para dito.”“O kaya, bumawi na lang tayo para sa nasayang na o
Read more