Noong nakabalik si Taylor, sinabi niya, “Mahal na mahal nila tayo. Bagay na bagay kaya tayo sa isa’t-isa.”Habang nakatingin sa likod, nahuli ni Charlie sina Chandler at Ross na kumakain na sa lamesa doon sa likod nila. Kaya, sinabi niya, “Kumain na tayo. Gutom na gutom na talaga ako.”Habang kumakain ang dalawa, ipinapakita nila ng publiko ang pag-iibigan nila. Sinubuan pa siya ni Taylor ng kaunting spaghetti.Bigla, higit pa sa inaasahan nila ang natanggap nila.Bumalik ang waiter ng may dalang champagne, at sinabi niya, “Libre ito!”Charlie, “???”Isang lalaki na suot ang suit ang nagpakita sa kanila bigla, nagpapatugtog ng gitara. Ang isa sa mga babaeng waiter ay bigla tumugtog ng maracas, at ang waiter na naka-assign sa kanila? Well, passionate siya na hindi pa nadidikusbreng singer!~ “Bésame, bésame mucho Como si fuera esta noche la última vez Bésame, bésame mucho Que tengo miedo a perderte, perderte después” ~Charlie, “…”Taylor, “…”Sobrang agaw pansin sila, a
Baca selengkapnya