Tumakbo bigla si Charlie papunta ng banyo, malakas ang tibok ng puso niya. Noong ibaba niya ang shorts niya at underwear, nakakita ng pula si Charlie.Nagkameron si Charlie!“Ahhhh! Ahhhh!” sigaw ni Charlie. “Diyos ko po!”Inner Devil: “Ahhh! Salamat sa Diyos!”Inner Devil 2: “Ligtas tayo!”Umiyak si Charlie, pagkatapos, tumawa.“Charlie, okay ka lang ba?” tawag ni Riley, kumakatok siya sa pinto.Nakahinga ng maluwag si Charlie ng mapagtanto niya na hindi na niya kailangan ng morning-after pill!Umiyak pa siya lalo, at pagkatapos, tumawa lalo. Walang pakielam si Charlie kung isipin ng pamilya niya na nababaliw na siya! Kailangan niya itong ilabas!“Okay lang ako. Okay lang,” sagot ni Charlie sa nanay niya. “May naalala lang akong eksena bigla sa Korean drama, at napatawa at iyak ako. Anyway, kailangan ko si Freya!”Sawakas, matapos makakuha ng napkin mula sa kapatid niya, lumabas si Charlie, sabik na sumali sa almusal at kung ano man na aktibidad mayroon sila sa araw na iyon.
Read more