"Isa pa talagang buntong-hininga, Cheska, at gagawin talaga kitang kambing. Nauubusan ako ng hangin dito," reklamo ng kaibigan kong si Annaliese. Ilang oras na ang nakalipas pero, hindi pa rin talaga ako makapaniwala, na nagawa akong tanggihan ni Mr. Valeria."You know what? Tama ka naman, e madami pang lalaki diyan at hindi lang si Mr. Valeria ang lalaking puweding magpakasal sa akin, pero dahil tinanggihan niya ako, mas gusto kong siya nalang," nakangisi kong sabi. Muling umiling si Anna, para bang hindi makapaniwala sa pinag-gagawa ko sa buhay ko."Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggihan ka niya," nagtataka niyang sabi. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay, "that's weird, hindi ba? May tumanggi sa nag-iisang Francesca Tan Fernandez," Natatawa niyang sabi. "I told you, puwede ka naman mag hire ng iba diyan." Inis ko siyang inirapan at muling sumandal sa upuan ko."I don't want too. Siya ang gusto ko." sagot ko bago muling sumandal sa upuan ko."Why? Bukod sa malabong magka-gusto k
Last Updated : 2025-05-12 Read more