Share

Chapter 01

last update Last Updated: 2025-05-12 17:44:18

"Isa pa talagang buntong-hininga, Cheska, at gagawin talaga kitang kambing. Nauubusan ako ng hangin dito," reklamo ng kaibigan kong si Annaliese. Ilang oras na ang nakalipas pero, hindi pa rin talaga ako makapaniwala, na nagawa akong tanggihan ni Mr. Valeria.

"You know what? Tama ka naman, e madami pang lalaki diyan at hindi lang si Mr. Valeria ang lalaking puweding magpakasal sa akin, pero dahil tinanggihan niya ako, mas gusto kong siya nalang," nakangisi kong sabi. Muling umiling si Anna, para bang hindi makapaniwala sa pinag-gagawa ko sa buhay ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na tinanggihan ka niya," nagtataka niyang sabi. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay, "that's weird, hindi ba? May tumanggi sa nag-iisang Francesca Tan Fernandez," Natatawa niyang sabi. "I told you, puwede ka naman mag hire ng iba diyan." Inis ko siyang inirapan at muling sumandal sa upuan ko.

"I don't want too. Siya ang gusto ko." sagot ko bago muling sumandal sa upuan ko.

"Why? Bukod sa malabong magka-gusto ka sa kaniya, ano pa ang rason at siya ang gusto mong maging asawa?" malalim akong napabuntong-hininga, hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ni Anna, "Ceska?" Muli kong sinulyapan 'tong sinulyapan.

"Dahil kung sakali na mag-work iyong contract namin, siguro hindi namin kailangan maghiwalay. I mean, alam ko naman na walang pakialam si Rafael sa pera ng mga magulang ko. That's it." Umiling si Anna habang nakangisi sa akin. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Huwag ako, Ceska. Magsinungaling kana sa lahat, huwag lang sa akin," natatawa niyang sabi, "Kung siya talaga ang gusto mo, then go. Alam ko ay single naman iyon. Pero, may niligawan siya before. Iyong si Avianna? Oo. Iyong kaklase natin dati." kumunot ang noo ko.

"Avianna Reign? Hindi ba at may gusto iyon kay Engr. Hernandez?" nagkibit-balikat naman si Anna.

"Ang tanga naman niya. Bakit siya naghahabol sa may taong mahal ng iba?" nagtataka kong tanong. Mahinang tumawa si Anna.

"Pareho lang kayo. Madaming willing na magpakasal sa 'yo pero, siya ang gusto mo." I rolled my eyes on her. Talaga bang kaibigan ko 'to? Masyadong pasmado ang bibig.

"Nagpunta ka ba rito para mang-asar?" iritado kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko 'to naging kaibigan, walang ginawa kung hindi mang-asar.

"Nah. Gusto lang kitang payuha, Ceska. I know you're spoiled brat. Gusto mong nasusunod lagi but, marriage is different. Are you sure about this?" tanong niya. Ilang segundo akong nanahimik bago muling magsalita.

"Gusto ko lang protektahan ang pinaghirapan ni mommy. Ayaw kong mapunta lang iyon sa wala." tumango siya at ngumiti sa akin.

"Okay. I'll help you. ibibigay ko sa 'yo ang address ni Rafael." nanlaki ang mata ko. Ang tagal kong hinahanap ang address niya pero, iyong dati lang niyang tirahan ang nahahanap ko.

"Bukas mo nalang puntahan dahil mukhang uulan ngayon," habol ni Anna bago ibigay ang maliit na papel

Kinuha ko iyon at nagpaalam sa kaniya. Kailangan ko pa kasing puntahan si mommy.

***

I sighed while checking the address. Tama naman ang binigay na address ni Anna. Muli kong sinulyapan ang bahay na nasa tapat ko.

Medyo luma na ito at parang hindi man lang nalilinis sa labas. Kung tutuusin ay parang walang nakatira. Nasa loob pa ako ng sasakyan pero para lang akong nasa horror movie. Malakas ang ulan at hangin sa labas. Thinking about his life before, what happened to his dad? Mayaman naman kasi talaga sila, e.

The world is not fair at all. May mga bagay na bigla nalang sa atin kukunin o magigising nalang tayo na iba na ang buhay na meron tayo.

Maybe, the world is so cruel for him. Alam kong hindi iyon madali sa kaniya dahil may dalawa siyang kapatid at may sakit pa ang mama niya.

Nanlaki ang mata ko nang bumukas ang pintuan ng bahay nila. Lalabas sana ko nang maalalang naka high heels pala ako. Maputik ang daan papunta sa bahay nila. Oo, na! Ganito ako kadesperada na mapapayag siya.

"Whatever!" Inis kong sabi bago tuluyang lumabas. I'm wearing a light pink dress. Hanggang tuhod iyon at nagsisisi ako na hindi ako nagdala ng coat dahil sobrang lamig ng hangin.

"Francesca?" salubong ang kilay ni Rafael, nagtatakang nakatitig sa akin. "What are you doing here?" dagdag niya pa. Para akong basang sisiw dito pero, hindi man lang muna siya nag-alok na papasukin ako!

"Hindi mo lang ba ako papapasukin? Ganyan mo kaayaw sa akin? Nakaka-offend, ha?" kunwareng naiiyak kong sabi. Basang-basa na ako ng ulan. Sinulyapan ako ni Rafael at mabilis din na nag-iwas ng tingin. Of course! I'm wearing a light color dress kaya makikita ang panloob kong red bra.

"Go home, Ceska." Nanlaki ang mata ko nang iwanan niya ako at muling isarado ang pintuan. Grabe! Hindi ko expect na ganito pala kapag ayaw niya sa isang tao.

"Rafael!" sigaw ko sa labas ng bahay nila. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nando'n, basang-basa ako pero, itudo ko na 'to. Baka sakaling maawa siya sa akin.

Hinayaan ko lang ang sarili kong mabasa sa ulan. Muli kong naalala ang naging reaksyon ni Mommy kanina, her condition is not good. Sabi ng doctor ay baka mas lumala pa iyon.

"Nandito ka pa rin?" nagtataka niyang tanong nang buksan niya ang pinto. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko pero, seryoso lang akong tumitig sa kaniya.

"I told you. I don't easily give up," matapang kong sagot.

He sighed before looking at me, "Give me your keys, " Kumunot ang noo ko, "I said, give me your keys, Ceska," nagtataka kong sinulyapan ang susi ng kotse sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang kunin niya iyon at hawakan ang kamay ko.

"Sandali! Saan tayo pupunta? Pumapayag kana ba?" Tanong ko. Malakas pa rin ang ulan kaya nabasa na rin ang suot niyang t-ahirt.

"I'll take you home," inis niyang sabi bago buksan ang pintuan ng kotse ko.

"What? Kaya ko naman ang sarili ko," reklamo ko pero sinarado niya lang iyon. Umikot siya para maupo sa driver seat, "hindi ba uso ang word na 'gentleman' sa 'yo?" Reklamo ko nang maupo na siya sa driver seat. Hindi siya lumingon sa akin.

"I'll take you home. Konsensya ko pa pag may nangyari sa 'yo," Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. Sumulyap siya sa kamay ko nang mapansing nilalaro ko na naman iyong ilan da daliri ko.

"Why do you hate me that much?" nag-iwas ako ng tingin. "Gagawa naman ako ng contract. Ikaw ang gagawa ng rules. It's not that easy pero, sure naman ako na hindi ako mhuhulog. I'll pay. Ako ang bahala sa pamilya mo." pumikit ako nang wala akong makuhang sagot sa kaniya. Ilang minuto akong gano'n hanggang sa tuluyan siyang tumigil sa pagmamaneho.

"Rafael. . ." kinagat ko ang pang-ibanang labi ko. "I regret everything," Nananatili akong nakapikit hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"We're here, Ceska. Pumasok kana sa loob," Sabi nito bago tuluyang isarado ang pintuan niya. Marahan kong dinilat ang mata ko, gano'n nalang kabilis ang pagpatak ng luha ko nang makitang nagbabasa siya sa ulan para lang makalayo sa akin.

Bakit ako umiiyak? You're Francesca Tan Fernandez! Hindi marunong magpakita ng kahit anong emosyon.

Muli kong inayos ang sarili ko bago lumabas ng kotse ko. Alam kong nandito na naman ang mga pinsan ko. May naka-park kasi na kotse sa labas ng mansyon.

"Oh? What happened to you?" pinagtaasan ko ng kilay si Caleb, na kunware nag-aalala sa akin.

"Hindi ba obvious? Malamang nabasa ng ulan." Mahinang tumawa si Caleb at Oliver.

"Not in a mood, ha? Who's that guy? Isa na naman ba sa biktima mo?" Inis kong sinulyapan si Lance.

"He's my future husband. Baka lang naman gusto niyong malaman," Matapang kong sabi. Nairita ako nang marinig ang pagtawa ni Caleb.

"Akala ko ba ayaw mo ng hampas lupa?" Nakangisi siyang sumandal sa pintuan habang nakatitig sa akin.

"Well, love do change us, Caleb, our beliefs and everything. Aww! Ang sad naman ng life mo kung hindi mo pa naranasan ma-inlove," nagtawanan sina Lance at Oliver.

"Well, I don't take it seriously, Ceska. Love could change us but, I don't want that changes," seryoso niyang sabi at humakbang palapit sa akin.

"I don't want to beg for someone just because I wanted to be loved." Napaatras ako nang yumuko siya at deretsong tumingin aa mata ko. "Just like what you're doing right now," makahulugan niyang sabi.

Hindi ko makuhang magsalita. Pakiramdam ko ay alam niya na lahat ng plano ko. Of course! Talagang hahanapan niya ako ng butas.

-To Be Continued-

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MARRIED TO MR. VALERIA    Chapter 29

    Tawang-tawa kami nina Reina at Real habang pauwe ng bahay. Halos sinakyan namin lahat ng rides. Panay kuwentuhan lang kami dahil tumabi rin ako sa kanila."Thank you, Ate! Hindi po namin makakalimutan ang araw na 'to." Napangiti ako sa sinabi ni Real. Marahan kong ginulo ang buhok niya. "Madami pa tayong pupuntahan, Baby Real." Nakangiti kong sabi. Pansin ko ang pasimpleng pagsulyap sa amin ni Rafael sa rearview mirror. "Ate, ano po ang paborito niyong puntahan?" Tanong ni Reina."Hmm? Bukod sa park?" Mabilis naman silang tumango sa akin. "Sa private Villa namin. Tahimik do'n, e. Kapag malungkot ako doon ako pumupunta. The sunset view there was perfect. Kapag gabi naman ay madalas akong umupo sa tabing dagat para pagmasdan ang buwan." Nakangiti kong sabi. Parang gusto kong magpunta ro'n."What's your favorite view, ate?" Muling tanong ni Real."Sunrise, Sunset, Moon and Stars habang nakaupo sa tabing dagat or may katabi na mini garder." Plano kong magpatayo ng sarili kong bahay. Iyo

  • MARRIED TO MR. VALERIA    Chapter 30

    Mabuti nalang at maganda ang lagay ni mommy ngayon. Paminsan-minsan ko siyang sinasaway dahil panay tanong siya kay Rafael nang kung ano-ano."Kailan niyo ba ako bibigyan ng anak?" Mahina akong naubo sa naging tanong niya. Nahihiya kong sinulyapan si Rafael, na panay tawa pa rin sa mga tanong ni Mommy."Mommy, naman!" Muli kong saway sa kaniya."Bakit ba? Wala ba kayong plano? Sayang ang maganda niyong lahi." Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya o inaasar lang niya kami ni Rafael."Pagaling po kayo, malay niyo ay magkaroon kayo ng apo sa susunod na taon." Nakangiting sagot ni Rafael. Mahina kong hinampas ang braso niya. Para talagang ewan minsan!"Alam mo ba? Nahirapan akong magpalaki riyan kay Francesca. Masyado kasing spoiled sa daddy niya. Halos lahat ng gusto niya ay binibigay agad." Natatawang kuwento ni mommy. Pareho niyang kinuha ang kamay namin ni Rafael at hinawakan ito."Hindi ka ba pinapahirapan nitong anak ko? Wala siyang masyadong alam sa gawaing bahay. Palibhasa ay may

  • MARRIED TO MR. VALERIA    Chapter 29

    Tawang-tawa kami nina Reina at Real habang pauwe ng bahay. Halos sinakyan namin lahat ng rides. Panay kuwentuhan lang kami dahil tumabi rin ako sa kanila."Thank you, Ate! Hindi po namin makakalimutan ang araw na 'to." Napangiti ako sa sinabi ni Real. Marahan kong ginulo ang buhok niya. "Madami pa tayong pupuntahan, Baby Real." Nakangiti kong sabi. Pansin ko ang pasimpleng pagsulyap sa amin ni Rafael sa rearview mirror. "Ate, ano po ang paborito niyong puntahan?" Tanong ni Reina."Hmm? Bukod sa park?" Mabilis naman silang tumango sa akin. "Sa private Villa namin. Tahimik do'n, e. Kapag malungkot ako doon ako pumupunta. The sunset view there was perfect. Kapag gabi naman ay madalas akong umupo sa tabing dagat para pagmasdan ang buwan." Nakangiti kong sabi. Parang gusto kong magpunta ro'n."What's your favorite view, ate?" Muling tanong ni Real."Sunrise, Sunset, Moon and Stars habang nakaupo sa tabing dagat or may katabi na mini garder." Plano kong magpatayo ng sarili kong bahay. Iyo

  • MARRIED TO MR. VALERIA    Chapter 28

    "Good morning," Malambing na bulong ni Rafael sa akin. Kasalukuyan akong nagluluto. Maaga pa naman pero, nasanay talaga ako. Na babangon ng maaga para makapagluto ng makakain namin. "Late na tayong nakatulog, Mr. Valeria." Saway ko sa kaniya nang maramdaman ang pasimple niyang paghalik sa leeg ko pababa sa balikat ko. "Pero ang aga mong bumangon." Natawa ako sa sinabi niya. Masakit pa rin naman ang katawan ko, dahil siguro sa pagod pero, mas pinili ko pa rin maligo ng maaga at maligo. Ngayon kasi namin susunduin ang dalawa niyang kapatid.Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang bumaba ang kamay ni Rafael. Mabilis ko itong sinaway dahil hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko."Maupo ka muna ro'n!" Natatawa kong sabi. Mabagal kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at humarap dito."Wala akong matatapos." Hinawakan niya ang baba ko at siniil ako ng madiin na halik sa labi. Mabilis lang naman dahil umupo siya at sinunod ang sinabi ko. Natawa ako at muling binalik ang atensyon sa

  • MARRIED TO MR. VALERIA    Chapter 27

    "Dapat pala nag-video ako kanina nung sa meeting para naman may pang entry ako sa 'That's my girl." Biro ni Kuya Lance. Tahimik lang akong nakasandal sa balikat ni Rafael. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko."Puro ka tiktok, Lance, kaya wala kang natatapos na reports." Reklamo ni Kuya Oliver. Kanina pa tapos ang meeting pero hindi ko alam kung bakit nandito pa sila sa opisina ko at inasar ako sa ginawa ko kay Veronica. Sigurado naman ako na nagagalit iyon pero, tama si Kuya Ali, kailangan niya munang palitan si Caleb para hindi magkaroon ng ganitong problema. Montessori will support her. Mga sakim iyon sa pera, e."Okay na iyong sa tiktok. Kaysa naman sa 'yo na PH." Natatawang biro niya kay Kuya Oliver."Tarantado! May babae kaya huwag kang ganyan!" Mahinang tumawa si Kuya Ali bago tumayo."I have important things to do. Take care of our Amari." Kay Rafael siya nakatingin. Tumango si Rafael dito."Ayaw mo pang sabihin na gusto mo silang bigyan ng privacy." Natatawang sabi ni Kuya

  • MARRIED TO MR. VALERIA    Chapter 26

    Napayuko ako habang nagpipigil ng hikbi. Muli kong nabitawan ang hawak kong make-up brush. Hindi ko alam kung nakailang ulit na ako maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko. Ilang araw na ang nakalipas pero sa mga araw na wala pa rin akong balita kay Caleb, mas lalo akong pinanghihinaan ng loob. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at muling tumingin sa salamin. Mugto ang mata ko, halatang wala akong masyadong tulog at maayos na pahinga. Pinahid ko ang luha sa mata ko nang mapansin si Rafael.Tiningnan ko ang reflection niya sa salamin. Kasalukuyan siyang nasa likod ko, alam kong nahihirapan din siya. Napapagod na makita akong ganito. Halos araw-araw akong umiiyak sa kaniya.Bumuntong-hininga siya at humawak sa magkabila kong balikat. "It's okay to cry, hindi naman masamang maging mahina minsan, Francesca. Hayaan mong ilabas lahat ng sama ng loob mo. You're not alone in this battle, hmm? You're hurting and it's normal. No one's invalidating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status