“Long time no see, West—ay, mali… long time no talk, West.”Biglang dumilim ang awra ni West sa mismong oras na marinig niya ang pamilyar na tinig mula sa cellphone. Ang hawak niyang tinidor, bagama’t gawa sa solid stainless steel, ay unti-unting nayupi sa sobrang higpit ng pagkakakapit niya rito.Napapitlag si Zendaya. Hindi siya makapaniwala sa nakita—literal na nayupi ang tinidor. Mabilis siyang napatingin sa mukha ni West, na ngayon ay seryoso’t malamig ang ekspresyon habang nakatitig sa painting na nasa kabilang dulo ng silid.“Kilala ni West si Loco?” tanong niya sa sarili, puno ng pagtataka.Sasandaling iyon ay napalingon siya kay Jacob upang itanong sana ang iniisip, ngunit nabigla siya nang makita ring dumilim ang mukha ng lalaki. Parehong matigas, tahimik, at matalim ang aura ng dalawa.That’s when she realized—there’s something deeply wrong.She clamped her mouth shut.“Forest, green, mountain,” West muttered, his voice cold as ice.Marahang napahalakhak ang taong kausap nit
Terakhir Diperbarui : 2025-07-15 Baca selengkapnya