SA MASTER’S BEDROOM.Gaya ng mga nagdaang pagkain, si Manang Jiji na naman ang naka-assign upang subuan si Amber. Palitan sila ni Aling Rosa, o kung sinong available sa mga katiwala ng villa. Tahimik ang buong silid habang maingat na isinusubo ni Manang Jiji ang ulam, pero kahit walang salita, alam ng matanda na may mabigat na bumabalot kay Amber.Nasa mga mata pa lang ng babae—malalim, wala sa focus, parang malayo ang iniisip. Alam iyon ni Manang Jiji, ngunit hindi siya kailanman nagtangkang magtanong. Hindi niya puwedeng pangunahan ang damdamin ng maybahay ng amo.Ngunit hindi mapigilan ni Manang Jiji ang magsalita.“Alam mo namang may makakausap ka sa bahay na ito, iha,” wika ng matanda.Pilit na ngumiti naman si Amber. “Alam ko ho, Manang.”Ngumiti si Manang Jiji. “Ngiti ka na, hindi na kita nakikitang ngumingiti, Amber.”Napakagat ng labi si Amber saka ito yumuko, pilit tinatago ang sakit na nararamdaman.“Amber,” patuloy ni Manang Jiji, “isang uri ng fossilized resin ‘yan. Matiba
Last Updated : 2025-07-14 Read more