EVENING, SIERRA HOSPITAL.Habang sinasaulat ni Jacob ang mga patungkol sa trabaho ay tahimik lang nakikinig si West, ang mga mata’y nakatuon sa mga dokumentong nasa kanyang harapan, nang bigla itong nagsalita.“How’s she doing lately?” he asked, voice cold, but his gaze softened.Napapitlag si Jacob, nakaramdam ito ng kaba kahit na ang mga mata’y walang emosyon.“She’s doing well now, Sir,” sagot ni Jacob, pilit pinanatiling mahinahon ang tinig.Tahimik si West. Sandaling tumigil sa pagbabasa ng dokumento, saka ibinaba ang mga ito. Kumunot ang kanyang noo, at muling nagsalita, mas mababa ang tono.“When you were there last night… She didn’t ask anything?”Ilang araw na siyang nasa ospital. Hindi siya makauwi, hindi makapunta kay Amber. Kaya’t si Jacob ang ipinagkatiwalaan niyang bantayan ito. Pero ngayon, sa simpleng ulat na “maayos lang siya,” tila may kulang.Nanlamig si Jacob. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang totoo—na wala sa mansyon si Amber. Ngunit wala rin siyang balak na
 Last Updated : 2025-07-19
Last Updated : 2025-07-19