NASA hapag-kainan ngayon sina Amber at Maverick, habang abala si West sa kusina, maingat na pinaghahandaan ang pagkain para sa kanyang pamilya—isang bagay na pinagtataka ni Amber dahil kahit kailanman ay hindi ito lumalapit sa kusina maliban na lang noong araw na tila magkasintahan silang dalawa, pahanong kinulong ito ni West para mailayo sa lahat. Ilang sandali pa’y inilapag niya sa mesa ang mga nilutong bacon, sunny-side up egg, hotdog, ham, at egg fried rice. Napatitig si Amber sa mga pagkaing nakahain. Hindi lamang ito basta pritong ulam—may kasamang appetizer pa gaya ng fresh garden salad na may honey mustard dressing, buttered toast, at kahit simpleng fresh fruits na inihain sa maliit na mangkok.“Baka may lason ‘yan?” tanong ni Amber, nakasimangot. Maayos naman ang pagkakahanda sa pagkain, pero ang lasa? Hindi siya sigurado. Lason? Baka meron pa.“Lason?” napatawa si West. “Love potion, wife, baka pwede pa.”Napaismid si Amber at umirap. Mabilis naman inabot ni Maverick ang k
Terakhir Diperbarui : 2025-09-03 Baca selengkapnya