MULING inangkin ni West ang labi ni Amber, sabik na sabik, tila matagal na niyang pinipigil ang sarili. “Shall we have our second baby?” bulong nito, mababa at puno ng pananabik.Bago pa man makapag-react si Amber, muling dumampi ang labi ng lalaki sa kanya—mas mapusok, mas mariin, na para bang uhaw na uhaw si West sa kanyang halik. Naramdaman ni Amber ang init ng hininga ng asawa, at kusang napakapit ang kanyang mga kamay sa batok nito, hinahatak siya palapit. Hindi rin niya napigilang tugunan ang bawat halik, bawat gigil ng lalaki, na wari bang matagal na rin niyang inaasam.Hinila siya ni West papalapit, halos wala nang pagitan sa kanilang mga katawan. Ramdam nila ang init, ang bilis ng tibok ng kanilang mga puso na tila nagsasanib. Gumala ang palad ni West pababa sa kanyang tiyan, dahan-dahang umuusad hanggang sa marating ang pinakaiingatan niyang bahagi.Napasinghap si Amber, at kusang napaliyad, habang pinapaligaya siya ng asawa. Pareho silang nakapagpakawala ng mahihinang ungol
Terakhir Diperbarui : 2025-09-06 Baca selengkapnya