Kinabukasan, pagkakatapos ni Arniya sa paghahanda ng agahan, agad siyang nagtungo sa dining room dala ang mainit na tray ng pagkain. Maaga siyang gumising, kahit pa puyat sa paghahanda kagabi. Gusto niyang gawin ang lahat ng kaya niya—kahit pa hindi niya alam kung para saan.At pagkapasok niya, sabay na dumating sina David at Dr. Shiela.David was, as always, a vision. Malinis ang gupit, presko ang polo shirt, at parang kakatapos lang maligo sa spa. Ang amoy ng mamahaling pabango ay unti-unting kumalat sa paligid, at ang matalim nitong mga mata, tila ba may sariling gustong sabihin.Samantalang si Dr. Shiela—well, halatang hindi maayos ang lagay. Paika-ika ito, hawak ang baywang habang dahan-dahang umuupo sa silya.“Oh my God, you look like you just came out of a fight,” natigilan si Arniya, inilapag ang tray sa harap ng doktora. “What happened?”“Good morning to you, too,” mataray na bungad ni Shiela, sabay paningin kay David. “I just… slipped.”“Slipped?” kunot-noong tanong ni Arniy
Terakhir Diperbarui : 2025-05-30 Baca selengkapnya