Merida’s POVPinatawag na si Vivi sa harapan para magtestify. Hindi ko alam kung bakit panay siya tingin kay Evos. Kilala ko si Vivi, galit siya sa mga taong nanakit sa’kin, pero ngayon, iba ang nakikita ko sa mga mata niya.Para bang puno iyon ng kalungkutan.Ayokong isipin pero malakas ang kutob ko na gusto ni Vivi si Evos.Ito ba ang rason kung bakit nawala siya bigla? Umibig ba siya sa asawa ko habang pinagsisilbihan niya ito?“Ako po si Vivi, naninilbihan po ako sa mga Rendova mula noong dumating si ma’am Merida hanggang ngayon.”Tumingin si Vivi sa gawi ni Evos at nakita kong kumislap ang mata niya dahil sa luha.“Ate,” sabi ni Lisa sa tabi ko. “She’s in love with kuya Evos.”“Alam ko Lisa.”Vivi, b-bakit? Anong ginawa ni Evos sayo?“Nandito po ako ngayon para isiwalat anong buhay ang pinagdaanan ni ma’am Merida sa kamay ng mga Rendova.”“Your honor, personal maid siya ni Ms. Merida-” Atty. Virgil“Na naging personal maid rin ni Evos. Your honor, mula ng umalis si Merida sa puder
Last Updated : 2025-06-27 Read more