Pagkatapos ng buong araw na naglaro sa dagat at nagbuo ng sandcastle, halos bagsak ang mga bata habang papasok kami sa villa na nirentahan namin. May dalawang kuwarto sa loob: isa para sa mga bata, at isa para sa amin ni Drako. Pero bago pa sila pumasok sa kama, nagpilit pa silang mag-story time.“Mommy, Daddy, tell us a story before we sleep!” sigaw ni Calliope habang yakap ang stuffed toy na dala niya mula pa sa bahay.“Yes! Story!” sabay-sabay namang sigaw nila Dax, Camila, at Daemon.Napailing si Drako, pero halata ang ngiti sa mukha niya. “You’re all supposed to be tired.”“We are,” sagot ni Camila, “but no sleeping without a story!”Nagkatinginan kami ni Drako. Ako naman, tumawa lang at nag-shrug. “Fine. But only one.”Agad silang umakyat sa kama, magkakatabi, habang ako at si Drako ay naupo sa gilid. Pinagbigyan namin ang hiling nila.“Daddy, you tell it,” sabi ni Dax.“No,” sabat ni Calliope, “Mommy should!”Nagkatinginan silang apat, parang magsisimula na naman ng away. Bago
Última actualización : 2025-09-28 Leer más