Tahimik kaming kumakain ni Drako sa isang private corner ng Italian restaurant nang bigla akong nakaramdam ng kakaibang tensyon sa paligid. Parang may malamig na hanging dumaan sa likod ko, kasunod ng isang pamilyar—pero hindi kanais-nais—na boses.“Well, well, look who’s here…”Dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko ang isang babae na mukhang bagong salta mula sa fashion runway. Straight ang jet black hair, flawless ang make-up, at suot ang isang designer red dress na masyadong masikip sa dibdib. She looked perfect… and dangerous.Ang dating girlfriend ni Drako.“Claudine,” bulong ni Drako, tumayo agad at pinigilan siyang makalapit sa mesa. Pero hindi siya nagpaawat.“Oh, don’t worry. I just wanted to say hello,” she said, her eyes narrowing toward me. “I didn’t know you were into… frumpy housewives now.”Napatigil ako. "Frumpy? Housewife?"Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, halatang nilalait ang suot kong conservative dress. “Wow, Caleigh, is that a maternity dress or are you ju
Last Updated : 2025-06-20 Read more