**MIRA** Ilang minuto na akong naghihintay sa loob ng van, inaantay siyang makarating. Hindi naman kalayuan ang garahe mula rito, pero parang nasa kabilang bayan pa siya galing dahil sa tagal niyang lumabas. Akala ko ba nagmamadali siya? Bakit parang wala naman siyang balak tumungo rito sa van? Napabuntong-hininga ako at napasilip sa labas ng bintana. Kita ko ang isang tauhan niya na kakalabas pa lamang ng mansiyon, bitbit ang isang maliit na bag. Sinitsitan ko siya kaya agad siyang napalingon sa direksyon ko. I motioned for him to come closer, at ginawa naman niya agad, medyo nagmamadali pa habang lumalapit sa van. “Asan na siya? Hindi pa ba kami aalis?” tanong ko, hindi maitago ang pagkainip sa tono ko. “Ma’am, kinakausap pa siya ng kanyang lolo. Baka maya-maya pa siya lalabas,” sagot niya, medyo nag-aalanganin pa ang tono. Napa-tsk ako nang marinig iyon, halatang iritado. Kanina, pinagmamadali niya akong magpalit agad ng damit, linisin ang sugat niya, ayusin ang mga gamit na ka
Last Updated : 2025-10-24 Read more